kung di niyo maayos system niyo paki ayos naman ng ugali niyo

Rant

To those admins na nagha-handle ng enrollment ngayon, imbis na sagutin nang maayos yung mga students na NAGTATANONG LANG DIN NAMAN NANG MAAYOS, please naman, huwag niyo na sanang sigawan at ipahiya.
Pwede niyo naman i-announce nang maayos kung maglalabas ba kayo ng additional sections para alam ng lahat kung ano ang gagawin at kung ano ang aasahan. Hindi yung magagalit kayo dahil ang daming naghihintay at nagtatanong sa inyo, eh wala naman kayong public announcement tungkol sa kung ano talaga ang nangyayari.
It’s only natural for us students to feel worried na baka wala tayong makuhang section para sa mga subjects na kailangan nating i-take. Kaya natural lang din na magtanong kami sa mga taong nasa position na dapat nakakaalam at makakapagbigay ng malinaw na sagot.
Bat ba ang hirap i-announce nang maayos na kulang kayo sa instructors? Pero patuloy kayong tumatanggap ng students kahit hindi na pala kayang i-handle lahat?
Students are just asking for transparency and proper communication. Hindi naman kami nagtatanong para manggulo. We’re asking because our enrollment, schedules, and entire academic plans are affected by this.
Sa totoo lang, Mapúa, sa ganitong sistema, nagmumukha kayong mas concerned sa pagtanggap ng tuition kaysa sa kung kaya ba ninyong bigyan ng maayos na academic support at available sections ang mga estudyante.

Posted Jul 29, 2026, 6:45 AM UTC

18516
Loading comments…