ang baho ko sobra
Ang baho ng underarm ko and nakakapagod na mabuhay ang hirap lumabas ang hirap mag trabaho. Lagi akong binubully sasabihan ng mabaho di nag tatawas di nag deo. Wala na ako pera ayoko na nakakapagod sana naman di na ako mabully kasi pagod na ako
Context:
ang baho ng underarm ko and lahat na ata natry ko deo and antiperspirant na natry ko: certain dri, driclor, perspirex antihydral sa deo lahat ng tawas, deoplus, fun g, tawas na bato secret clinical, mitchum, dove clinical rexona. If mag susuggest kayo ng panoxyl, betadine blue, hibiclens , glycolic acid na try ko na yan even clindamycin antibiotics. Ive tried mag take ng supplements. Nag pa doctor na rin ako okay naman lahat pati yung kidney function ko and liver lahat normal di rin ako diabetic even yung thyroid ko normal. Nag pa derma na rin ako nag botox, laser and wax ng kili kili. Also sa damit nag lalagay ako ng underarm pads everyday yung white para di matransfer yung bacteria sa damit ko. Nag lalagay ako ng oxygen bleach or chlorox sa kili kili part maayos ang laba ko so alam kong hindi sa damit tinatapon ko rin yung mga mag putok kong damit so hindi siya sa damit.
Nakakapagod and nakakawala ng pera. Araw araw ako umiiyak kasi pag lalabas ako mag commute kahit grab bahong baho yung mga tao sakin kahit yung friends ko.
Pls wag na kayo mag advice ng deodorant antiperspirant kasi nabili ko na yan lahat ng deodorant at antiperspirant meron na ako pati sa mga wash meron na rin ako. Gusti ko lang mag vent kasi pagod na ako sana naman wag kayong maging harsh sa mga may body odor kasi naliligo naman kami nag deodorant kami tatlong beses na ako naliligo kada araw lagi ako nag deo and antiperspirant pls maging kind naman kayo samin kasi nakakapagod rin
Posted Jul 29, 2026, 1:11 PM UTC · locked