How to move forward when your parents don't accept your sexuality?
Hi! Gusto ko lang sana humingi ng advice, especially from those who have gone through something similar.
Recently, na-figure out ng parents ko na hindi ako straight. They didn't ask me how I felt or try to understand me. Ang unang sinabi agad sa akin was that "nasa maling landas" daw ako.
Masakit lang isipin na mas proud at mas ipinagmamalaki pa nila yung straight na hindi nakapag-aral pero nagtatrabaho na, kaysa sa akin na nakapagtapos with Latin honors at kabilang sa top 10 ng batch dahil lang hindi ako straight.
To be honest, tanggap ko naman na baka hindi nila ako matanggap. Nakakalungkot lang isipin na sariling magulang mo ang may ganoong pananaw.
Ang problema ngayon is may malaking goal akong gustong pagtuunan ng pansin, pero paulit-ulit na bumabalik sa isip ko yung mga sinabi nila. Sobrang distracting, and I feel like it's affecting my focus.
For those who have experienced something similar, paano kayo naka-move forward? Paano niyo natutunang hindi dalhin yung bigat ng mga salita nila habang tinutupad niyo pa rin yung mga goals ninyo?
Thank you in advance. 🤍
Posted Jul 30, 2026, 2:06 PM UTC