possible padin ba na mag ka postpartum kahit 2yrs old na si baby?
2 na anak ko 4 and 2 hindi naman ako nag ka postpartum ng malala sa panganay ko sa 2nd ko ngayon ewan ko parang nag trigger dahil sa sunod sunod na pagsubok ng buhay namin after namin masunugan as in walang wala kami ang hirap bumangon sa totoo lang umupa muna kami pansamantala and nabibigla kami sa mga gastusin dahil sumasabay ang rent at bills up tapos sa work ng partner ko kailangan nilang magbawas ng oras minimum wage lang sya bumabawi sa ot pero ngayon 8hrs nalang muna sila and pag nag tuloy tuloy na mahina ang gawa nila mag babawas ng tao 2yrs na sya sa job nya possible na mapasama sya working sya sa pagawaan ng mga pipe and pinto ng mga cr
sobrang stress at pressure yung nararamdaman ko hindi ko na kinakaya out of nowhere bigla nalang akong maiiyak , may mga suicide thoughts na ako nag attempt nadin ako sa sobrang stress and dagdagan pa ng fulltime mom ako gusto ko mag work pero wala akong mapag iiwanan sa anak ko . tapos sobrang habol pa saken ultimo ccr lang ako iiyakan ako kaya minsan diko maiwasan na mainis sa anak ko minsan gusto ko ng paluin naririndi na ako pag umiiyak tapos papagalitan ko pa minsan na gui-guilty ako pero di ko mapigilan yung nararamdaman ko .
gusto ko na humingi ng professional help kaso di pa afford at ayoko din unahin yung sarili ko dahil madami pa kaming needs lalo mga anak ko.
Posted Jul 30, 2026, 2:12 PM UTC