Paano magpa-renew ng registration kapag tinakbuhan ka ng seller?

Question/Advice Needed

May motor pinsan na malapit na ang month of renewal ng registration. Ngayon ang problem na sinasabi nya sakin is nung nakuha nya yung motor ay hindi na siya sinasagot ng seller ng motor.

Ang meron lang ang pinsan ko is expired na lisensya nung seller with signature, open DOS, birth cert with signature.

Nakita ko online na pwede kumuha ng cert of non-residency kung saan nakatira yung seller since unresponsive nga sa mga tawag, msgs, etc.

Bukod sa cert of non-residency, ano pa po ba ang mga kailangan na documents bago maparehistro sa pangalan ng pinsan ko yung motor?

Posted Jul 30, 2026, 2:14 PM UTC

04
Loading comments…