My (25F) LDR Boyfriend (27M) Cheated on Me… Then Moved to My City to Start Over and to Prove that he Loves me.

TL;DR: Hello, I am F(25) and my boyfriend M(27).

Nagkakilala kami sa dating app and we start contacting each other on July of 2025. Naging Long Distance Relationship kami since November last year. So it's be a year nung nagkakilala kami. Halos every month kami lumuluwas para magkita, he's from manila and I'm from davao. During our talking stage, namention nya na yung ka long term relationship and first girlfriend nya cheated on him, and he was still trying to work it out kasi gusto ng bf ko na sya ang una't huli nyang maging girlfriend. But due to trust issue, unti unti rin syang nauubos kasi na paparanoid and praning din sya and he thought that it wasn't worth it to stay in the relationship when in the first place niloko namana sya ng ex nya that's why they broke up.

So guess what? The usual thoughts ng may mga ganitong nakwento sa mga nakakatalking stage nila. I thought that iibahin ko yung mananaw nya sa isang relasyon, di ko sya bibigoin. Less than a year, last June 2026 andito sya sa amin, nabasa ko lahat ng panloloko nya sakin. He's been meeting up with a girl from march-may. Wala talaga sa isipan ko na lolokohin nya ako since lagi naman kaming nagvivideo call, and sleep call (which he initiated). Kala ko nalolowbat lang phone nya every 2am, pero nakikipag kita na pala sa babae. Sobrang sakit na di ko ma explain, because all this time I really thought that he was being faithful towards me, imagine nagawan nya pa yun ng paraan para lokohin ako kahit halos magka video call naman kami. Every rest day nya, every 4pm na sya nagigising and nawiwitness ko lagi puyat nya sa paglalaro pero yun pala gumigising din sya ng maaga para makasama nya ang babae whole day. And minsan pag lumalabas sila ng mga kaibigan nya, nagpapa massage sila for extra service.

When we talked about it, I stayed calm and sinabihan ko sya na pinapatawad ko na sya (which I truly felt at that time) when he said sorry, basta pakawalan nya nalang ako at we should live peacefully after nyang bumalik sa manila. Pero totoo pala talaga yung mga sinasabi ng mga tao sa comment section pag may cheating ang mga artista tapos binabalikan nila ang nanloko, na 'you wouldn't know, unless you are in the situation'. Dahil nung nakita ko syang umiiyak, mahigpit akong niyayakap at nanghihingi sya ng another chance, dun ako nanglumo, di ko alam isasagot ko.

He really wants to prove to me na magbabago sya at galit na galit sya sa sarili nya, at kung ma bobrought up yung topic na yun, naiiyak sya sa galit. Ngayon sinasabi ko sa kanya na pag dyan ka pa sa manila makikipag hiwalay na talaga ako, I don't trust you enough para mag stay pa ako sa long distance relationship. And ngayon (July), andito na sya sa amin and moved to my city to save our relationship.

Alam nyo yung kahit nandito na sya, andun parin yung sakit at trust issue. Parang anytime, baka magsawa lang din sya at maghahanap ng iba. He was trying his best to show his love and gain me again, pero feeling ko peke lahat ng pinapakita nya. Is this normal? Kasi sa mga nababasa ko, hindi daw talaga magbabago ang cheater, especially kung pinatawad mo sila.

Ang akin lang, ayaw ko na masayang lahat, yung oras, panahon at yung pagmomove nya dito kung gagawin nya rin naman pala ulit. I really want your thought please, i want logical thoughts. What should I observe, ibibigay ko ba ulit yung pagmamahal na nabigay ko sa kanya noon and try to work it out as well?

Posted Jul 30, 2026, 2:17 PM UTC

10
Loading comments…