Turning 41 na ako this November.
Napansin ko lang, pagdating ko ng 40 parang kusa akong nag-slow down. Active pa rin naman. Tumatakbo, nag work out, mountains, atravel kapag may chance.
Sigle pa rin ako. Hindi ko rin nakikita yung sarili ko na mag-aasawa anytime soon. Kung mangyari, edi okay. Kung hindi, okay lang din.
Ngayon lang talaga ko nakaka express ng sarili ko, kasi hindi naman talaga ganun kadali yung generation natin. Yung mga economic crisis na dinaanan natin, competition sa job, pag adapt sa technology and all. I think we are the toughest generation.
Tapos yung career. Ilang beses ka ring madadapa. Minsan akala mo okay na, tapos back to zero ulit. Pero hindi ka naman pwedeng mag-drama nang matagal. Kailangan mong kumita. May bills. May responsibilidad. Kaya bangon ulit.
Siguro dahil doon, iba na rin yung definition ko ng success ngayon. Dati gusto ko laging may next achievement. Ngayon, mas na-appreciate ko na yung healthy ka, may peace of mind, may oras gawin yung mga gusto mo.
Hindi ko alam kung ako lang, pero feeling ko yung generation natin, napaka-weird ng timing. Tayo yung nasa gitna ng analog at digital. Tayo rin yung sunod-sunod na sinalubong ng economic crises, pandemic, inflation. Parang buong adult life natin, laging may bagong kailangan i-figure out.
Kaya minsan naiisip ko, baka isa tayo sa toughest generation. Hindi dahil gusto nating maging matatag, pero kasi wala naman tayong choice kundi mag-adjust.
Curious lang ako, kayo ba? Lalo na sa mga ka-edad ko. May point din ba kayo na napaisip, "Grabe, ang dami na pala nating nalagpasan."
Posted Aug 3, 2026, 10:55 AM UTC