OA lang ba ako na nagtampo ako sa BF ko for not sending me a quick and short message?
Nagsabi ang jowa ko ng Thursday na pupunta sila sa birthday ng tito nya sa Bulacan ng Saturday kaya hindi nya ako makakausap dahil magmamaneho sya at makikipag bonding sya sa relatives nya.
Saturday came, and nakalimutan ko ang sinabi nya. Buong araw ako naghintay ng chat or call, pero wala. 5pm na sya nakapag chat nung nakabalik na sya ng bahay.
Busy naman talaga siya pag sabado kasi pagka gising, namalengke siya at nagluluto pa ng almusal sa bahay nila bukod pa sa pagmaneho. Totoo naman ito pero nagtampo ako wala syang time to send me a quick and short message.
Ako ba ang mali na nagtampo ako?
Posted Aug 3, 2026, 2:01 PM UTC
217