second interview done

Hello, ask ko lang. Gaano katagal po ba dapat maghintay for feedback kung nakapagsecond interview na? Lagpas isang linggo na rin po kasi. Medj anxious lang me since gustong gusto ko talaga yung position since process engineer tapos super duper lapit lang sa bahay namin yung planta.

Inooverthink ko din kasi yung interview. Initial interview lang sana last July 24 pero buti available na rin yung pangalawang magiinterview. I can say na na-ace ko naman yung exam. Yung initial interview naman, medyo naging personal yung questions. Yung questions nung naginterview sakin eh part naman siya ng essay dun sa exam. Tinanong relationship with my parents, may mga about din sa personality and such. May part pa nga sabi how would i describe myself and sinabi ko naman na “i’m cheerful and eager to learn” with a smile on my face. And sabi ng nagiinterview is “hindi halata” na di ko alam kung pabiro pero nakangiti siya. Well before naman magstart eh all smiles naman ako and medyo magaan naman yung mood niya. Basta medyo madami talagang personal questions. And after non, pinainterview na rin nila ako sa sumunod which is more on the technical side. I can say na okay naman mga sagot ko, puro “good answer, good answer” din yung naginterview.

Super kinakabahan kasi ako since wala pa ako naririnig from them. Ang sabi lang eh babalitaan nila ako ASAP. Fresh graduate po ako and kakapasa lang po ng boards this May. Do you think macoconsider po ba ako for the job? Ano po ba need ko gawin? Thank you po.

Posted Aug 3, 2026, 2:04 PM UTC

10
Loading comments…