Easton Park by Taylormade

Want To Buy

Hello po! Gusto sana naming bumili ng unit sa Easton Park, Brgy. Macamot, Binangonan. Nagpa-hold na po kami ng unit at magbabayad pa lang ng down payment at reservation fee.

May idea po ba kayo kung ano ang dapat naming i-expect kung itutuloy namin ang pagbili? Ano po ang mga pros and cons ng pagtira o pag-invest sa Easton Park? Kumusta po ang quality ng units, pamamahala ng subdivision, seguridad, suplay ng tubig at kuryente, accessibility, at kung bahain ba ang lugar?

Gusto rin po sana naming malaman ang karanasan ninyo sa mga agents. Maayos at transparent po ba sila sa proseso at sa mga fees? Kumusta rin po ang bank loan processing—mabilis ba ang approval, may mga naging aberya ba, at may mga dapat bang paghandaan o iwasan? Thank you!

Posted Aug 4, 2026, 8:48 AM UTC

12
Loading comments…