Mahal ko kayong dalawa

Stranger

L,

Noong ghinost mo 'ko, para akong bata na iniwan ng nanay sa counter. Hindi ko alam ang gagawin, hinanap kita. Hindi ko alam kung bakit bigla ka umalis. Gusto ko magsisisigaw, sakaling marinig mo 'yong mga iyak ko kahit na alam ko na malayo ka.

Alam ko naman na busy kang tao, laging may kailangan gawin. Maraming gusto maabot, bilhin. Napakarami mong pangarap. Natutuwa ako na ganoon ka, at dapat lang. Kasi napakatalino mo, napakasipag, mapagbigay. Deserve mo maabot lahat ng gusto ng puso mo. Kaya kahit ghinost mo 'ko, hindi ko magawang magalit. Kasi alam ko, para sa mga pangarap mo 'yon, para sa mas makakapagpasaya sa'yo.

Mahal kita, gustong-gusto kita makausap at makasama, pero dahil doon, minahal ko na rin ang mga pangarap mo bago mo pa ako nakilala.

Siguro kung hindi ako nag mature, tinadtad na kita ng mura, ng mga masasakit na salita na pagsisisihan ko rin sa huli. Mabuti na lang at hindi na ako 'yong dati. Naiintindihan ko na ang pagmamahal ay pag iintindi rin. Naintindihan ko na kung mahal kita, kailangan ko mahalin lahat sa'yo, pati mga bagay na gusto mo abutin kahit pa hindi ako kasama sa mga iyon.

Nangangarap din,

M***

Posted Aug 4, 2026, 9:03 AM UTC

11
Loading comments…