Nahihiya akong maningil sa friend ko. Paano ba gawin nang hindi awkward?

Social Matters

Problem/Goal:

May close friend ako (long-distance friend) na nanghiram sa akin ng ₱3,000 around 3 weeks ago. Sabi niya emergency daw, and at that time may extra naman ako kaya pinahiram ko agad without hesitation.

Ang problema, hanggang ngayon wala pa siyang update tungkol sa utang. Hindi rin siya masyadong nagme-message. First time ko ring magpahiram ng ganitong kalaking amount, kaya hindi ko alam paano maningil.

Nag tatry ako mag react sa mga stories niya baka maalala niya kasi haha pero nahihiya talaga ako i-bring up 😭

Nahihiya talaga ako kasi sobrang introverted ko, tapos medyo may kaya naman sila sa buhay kaya parang ako pa yung nahihiyang mag-remind. 😅
Paano ba kayo naniningil through chat nang hindi awkward o parang nang-aaway? May sample message ba kayong pwedeng i-send na simple at polite lang?

Thank you po in advance 😭

Posted Aug 5, 2026, 1:24 PM UTC

818
Loading comments…