Interview while still employed for 1 month
Hello! Need ko lang ng opinion nyo about sa iniisip ko at kalgayan ko.
Bago lang ako sa UAE and in my mid 20’s at IT ang tinapos sa PH. Around 5 months nako dito at one month palang sa work as office boy sa isang government affiliated company pero hawak ako ng isang agency na naghahandle ng mga office boy. Malayo sya sa industry na nasanay ako lalo may exp ako sa pinas, pero wala e ganon talaga dito sa UAE back to zero talaga.
One weekday may naghahanap sakin sa office na galing sa office workers don, kinausap ako to help find a better opportunity. And hiningi yung CV ko at ibibigay daw sa connections nya. Kanina lang galing ako sa interview na pinagpasahan ng CV ko and mas okay sya sa office boy.
Ang problema ko lang na iniisip na baka once ma tanggap ako e maging kumplikado pagdating sa visa kasi kaka bigay palang ng visa sakin pero job offer palang naman napipirmahan ko.
Posted Aug 5, 2026, 1:30 PM UTC