First time ko na malungkot
First time ko na mawalan ng magulang.
Hindi ko alam kung paano ako babangon at magiging matatag sa panahon ngayon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon.
Last Friday (Aug 7), kinasal ako. Ang saya at successful ng wedding namin. Pero kinabukasan, Saturday (Aug 8), tumawag sa akin ang ate ko at sinabi niya na wala na si Papa namin. :(
Grabe, ilang oras lang ang nakalipas, napalitan agad ng lungkot ang saya ko. Yung suot niyang barong at pants noong wedding ko, iyon din ang suot niya ngayon sa burol niya.
Posted Aug 10, 2026, 4:16 PM UTC
1910