Thought sa paid book/story?
I get it okay. Wala tayong reason magdemand kung kailan mag-update ang author. Kung okay or hindi okay ang update nya. Hindi natin sila pinapasahod. Wala silang utang sa atin.
Pero how about sa mga story na binabayaran mo? VIP, Subscription and such? Pwede bang magdemand? Tbh, napipikon ako kapag nagbayad ako tapos less than 3 update lang update sa isang buwan. Tapos ang update pa mema update lang. Okay na ito. Pwede na ito. Ang mahalaga may update. Kasi nafefeel mo naman kapag force yung update eh. Kapag walang sustansya yung update.
Bawal pa rin bang nagdemand ng maayos na serbisyo kapag bayad ka? Maliit or malaki man para sa iba ang binayad mo. The mere fact that you paid for that story, dapat maayos serbisyo?
Sa physical books? Kapag ang pangit din ng serbisyo. Quality tapos ang daming excess na nagpapamahal sa book. Pero wala kang choice kasi kapag binili mo yung book automatic kasama yun. Paano naman yung iba na book lang talaga ang gusto? You will pay for this amount kasi may mga inclussion na hindi optional.
Posted Aug 10, 2026, 4:26 PM UTC