Natatakot na ako sa sarili ko, at natatakot na rin ako PARA sa sarili ko.

TRIGGER WARNING

July has been a hell of a month for me. Hindi ko alam kung sa papaanong paraan ko sasabihin kahit kanino yung pinagdadaanan ko ng di ako matatawag na "dramatic" o "OA."

Nung pumasok ang July, nagkaroon ako ng trabaho and nakapag start kaagad. Which made me happy dahil matagal akong natengga sa bahay after graduation dahil natulong ako sa business ng Mama ko and nahirapan din akong maghanap ng trabaho. Sobrang saya ko kasi finally, may trabaho na ako. Bonus pa na work from home at company provided ang device, kaya talagang pakiramdam ko sobrang swerte ko.

End ng 1st week ng July, dito pumasok unang problema. For context muna, I came from a broken family (17 years ng hiwalay parents ko). Kasama ko (I'm the middle child) at ng mga kapatid ko ang Mama namin, while ang Papa namin eh iniwanan namin dahil abusive. Pumasok na ang unang problema. Kakasuhan ng Papa ko si Mama dahil si Mama eh meron ng bagong kinakasama. Sobrang nadrain ako dito. Ang Ate ko, cinut off na ang Papa. Yung bunsong kapatid ko, walang pakielam sa nangyayari sa parents namin dahil busy siya mag aral and I do understand that. Ako na lang ang tanging nakikipag communicate sa Papa. At nagkaroon nanaman ng bagong pagsubok, kinausap ako ni Mama na kausapin si Papa na makipag usap na lang ng maayos at mag areglo na lang daw sila. Sinunod ko si Mama dahil ayoko rin ng gulo, ayokong gumulong yung kaso at magkanda gulo gulo nanaman ang pamilya namin dahil pagod na ako sa family issues na meron kami noon pa man. Nang nakausap ko si Papa, nagalit siya sa akin at sinabihan akong kinakampihan ko daw si Mama kahit alam ko raw na mali ginagawa niya. Malamang, naipit ako sa gitna. Sinubukan ko namang ipaliwanag kay Papa na ayaw na namin ng gulo at gusto na lang namin lumagay sa tahimik dahil sawang sawa na kami sa mga ganitong klase ng problema. Binlock ako ni Papa sa number at sa social media platforms na connected kami, so, hindi ko na siya nacocontact.

Ito ang pinaka malala. Dahil si Ate, cinut off niya si Papa noon pa man, ayaw niya akong tulungan na kausapin si Papa. Naiintindihan ko naman siya sa mga dahilan niya kung bakit niya pinutol koneksyon nila ni Papa at hindi ko naman siya pinilit, nagtanong lang naman ako sa kanya kung pupwede niya akong matulungan. Siguro, mali ko din na nagtanong pa ako despite knowing na hindi sila okay. Pero sobra naman ata ang natanggap ko, dahil s****inisisi pa ako ni Ate dahil hindi ko daw nagawang mapakiusapan ni Papa samantalang madali lang naman daw ipaliwanag kung bakit gusto namin na hindi na matuloy yung kaso, bakit ko daw siya idadamay? Hindi na lang ako sumagot pa, para hindi na lumawak pa ang problema at issue. Hinayaan ko na lang. At hanggang ngayon, hindi pa rin ako kinakausap ni Ate kahit sa iisang bahay lang kami nakatira.

2nd week of July, nakipag hiwalay ako sa long time boyfriend ko. Dahil nalaman kong hindi niya ako ipinagtatanggol sa mga kapamilya niyang nilalait lait ako. Matagal na naming issue iyon, nag bulag bulagan lang ako nung una at umasa na magiging okay din ako sa kanila. Pero hindi. Ilang taon na ang lumipas, pero ganun pa rin nila ako itrato, pagsalitaan, at lait laitin.

3rd week of July, nahuli ko ang bunsong kapatid ko na ninanakawan ako ng pera sa ipon ko na nakatabi sa cabinet ko. Matagal niya na palang ginagawa yon. Hindi ko nalaman not until nahuli ko dahil hindi ko sinisilip yung ipon kong yon dahil pag nahawakan ko eh baka magastos ko lang din. Nung tinanong ko siya bakit niya ginagawa yun, sabi niya sa akin nahihirapan daw kasi siyang ibudget yung baon niya sa araw araw at kailangan niya din daw ng extra. Pinagsabihan ko lang siya ng mahinahon para hindi na lang lumaki pa yung gulo.

4th week of July, nagpasama ako sa Mama ko magpa check up dahil ilang buwan na akong di nireregla. Turns out, may PCOS ako and kailangan akong mairaspa para matanggal yung mga cysts na meron ako.

July 31, aba may pahabol pa talaga. Nalaman ko at ng mga kapatid ko na baon sa utang si mama. Almost 5M yung utang niya at hirap na hirap na siyang makabayad dahil hindi na rin gaanong kumikita ang negosyo niya. Nag aaral pa ang bunso kong kapatid at nasa mahihit 60k per sem ang tuition fee niya. Sinabi sa akin ni mama na after ko raw makapag pagamot, baka pupwede raw na ako at si Ate ang mag tustos muna sa kapatid naming bunso. Mula sa tuition, school needs, at baon, hanggang sa makabawi bawi lang daw si Mama sa pagkita ng pera. Wala naman akong choice, kaya umoo ako sa sinabi ni mama. Kaya ngayon, naghahanap ako ng isa pang pwedeng pasuking trabaho para kahit papaano, malaki laki kitain kong pera pero wala pa din akong nahahanap sa ngayon.

Ang dahilan kung bakit natatakot ako sa sarili ko at para sa sarili ko, magpa hanggang ngayon? Hindi pa ako umiiyak at binubulungan na ako ng mga boses sa utak ko na tapusin ko na lang lahat ng paghihirap ko sa sarili kong mga kamay.

Natatakot ako na baka isang araw eh sumabog na lang ako at makagawa ako ng mga bagay na pagsisisihan ko ng matindi kapag humupa yung emosyon ko.

I honestly don't know what I'm looking for by posting this. Maybe I just need somewhere to say everything I'm going through without having to reassure someone else that I'm fine afterward.

Posted Aug 11, 2026, 11:17 AM UTC

23
Loading comments…