Send help

Anti-Gambling Advice

Hello guys, I just want to open up here kasi hindi ko na kaya. I want to share my experience and hihingi n din ako ng advice inyo. Today lubog ako ng around 100k+ sa utang at naubos din ang 100k+ na savings ko. Before, wala naman talaga akong paki sa online gambling kasi sa tingin ko ay scam lang tlga yan at walang nananalo kaya never kong pinasok. Until naintroduce sakin ng friend ko last year ung mga sites nung nasa gcash pa. Nagsimula ako sa piso na bet lang hanggang ung seed money ko na 100 ay naging 1k. Nakailang panalo din ako ng ganon hnggang sa nasimulan ko nang tumaya nang mas malaki. Don talaga ako binawian kasi natalo ako ng 10k. Nahimasmasan ako dun kaya tinigil ko. Akala ko makokontrol ko ang sarili ko nang ako lang magisa. Ilang beses ako nagrelapse simula netong january hanggang this month kaya umabot yung talo ko ng sa tingin ko ay more than 200k na. Nagbabasa ako rito sa community ng mga strategies para makastop na ako kasi awang awa na ko sa sarili ko. Addict na tlga ako sa sugal.

Nagpaban ako sa PAGCOR para hindi na ko ulit makapaglaro pero naglipana pa din yung mga illegal gambling sites. Akala ko ok na ko at makakarecover na not until nadiscover kong iclick ung mga illegal sites from text messages. NaBan na ko sa legal sites pero pinili ko pa din maglaro sa mga illegal sites. Ang tanga tanga ko sobra. Obvious naman na walang panalo don pero tumaya pa din ako. Akala ko matalino akong tao pero napakadali pala akong talunin ng greed ko.

Ngayon, sobrang clouded ng utak ko, di malaman kung ano na gagawin ko sa buhay. Hindi ko pa nasasabi sa family ko yung situation ko kasi nahihiya ako. 2 years na akong graduate at imbis na makatulong sa pag aaral ng kapatid ko ay pagsusugal ang inatupag ko. Yung sinashod ko ngayon monthly ay napupunta lang sa pagbayad ng utang.

Gusto ko sana magseek ng advice about sa extreme measures na ginawa nyo para matigil sa gambling. Ano yung ginwa nyong techniques pra magkaron ng matatag na discipline sa sarili?

I want to turn a new leaf badly talaga since gusto ko din suportahan yung kapatid kong nsa college now. I tried setting a scheduled prayer daily for me to overcome gambling pero natitigil ko din once na sumugal ako ulit. Discipline or mindset din talaga ang problem sakin.

Send help po. Magupdate ako rito next week after ko itry advice nyo sakin.

Posted Aug 11, 2026, 11:31 AM UTC

109
Loading comments…