titigil na ako sa tungkulin ko kasi...

RANT / VENT

kalihim ako ng lokal sa loob ng ilang taon na. sanay na ako sa gampanin ko, at nadadalian lang din naman ako. pero nahihirapan ako ipagpatuloy 'yung tungkulin ko kasi drained na ako. kalihim ako, pero parang kanang kamay ako ng isa pang kalihim. basically, under ako and may boss ako. itong boss ko, kapag nagsabi na gagawa kami today, dapat pupunta talaga ako. at first, nagco-comply ako CONSISTENTLY, walang angal. kasi devoted ako eh, naniniwala akong para sa Ama lang din 'yung ginagawa ko at para sa ikabubuti ng iglesia. pero dumating 'yung panahon na, na-drained na lang ako bigla. kaya sa tuwing maiisip ko pa lang na mag-oopisina kami, nauubos agad energy ko. sino bang hindi aayaw do'n eh kung ang tagal mong nasa kapilya para mag-opisina? isang beses umabot ako ng 8 hrs, dinaig ko pa ang may trabaho eh. take note, student pa lang ako. usually 5 hrs tinatagal ko sa kalihiman, swerte na kung 2-3 hrs lang. kasama ko lagi boss ko mag-opisina. ang nakakaubos pa ng energy, marami kami sa kalihiman kasi linggo, kaya sobrang ingay at nao-overstimulate ako. tapos idagdag mo pa 'yung pressure na parang bawal ka magkamali sa ginagawa mo. tapos kapag nag-encode ka, ang daming puna ng distrito. tapos pagmamadaliin ka pa ng distrito, kailangan ipasa mo agad ito bwiset na 'yan parang bawal ipagpabukas. parang alam mo 'yon kailangan mo lagi isakripisyo sarili mo kahit pagod na pagod ka na go ka pa rin. aminado akong mentally unstable na ako matagal na kaya mas lalong hirap para sa'kin na pumunta basta sa kapilya lalo na kung mabigat damdamin ko. eh paano ko ipapaliwanag sa kanila 'yon? eh hindi nga sila naniniwala sa depression, kasi ang anak ng Diyos hindi raw dapat nade-depressed kasi nasa loob ka na ng tunay na bayan. pinapanalangin lang daw 'yan tapos mananampalataya. minsan sasabihin pa baka kulang ako sa paglilingkod o baka malayo ako sa Diyos kaya ako nagkakaganito. LINTEK NA 'YAN. SINASABI MO BANG KASALANAN KO PA RIN KUNG BAKIT AKO MISERABLE? tang1na rin minsan ng mindset ng mga 'to. tapos kapag sinabi kong hindi ko kayang pumunta sa kalihiman ngayon, sasabihan agad ako ng tamad SYEMPRE KASALANAN KO NA NAMAN. tapos kahit sabihin ko iba pang dahilan, AYAW PA RIN MAKAINTINDI PIPILITIN KA PA RIN NA PUMUNTA RO'N KASI PARA NAMAN DAW SA DIYOS 'YON KAYA KAILANGAN MONG MAGSAKRIPSIYO. so ano? hintayin kong maubos ako kakasakripisyo? tapos kapag umalis ako kasi I WAS EFFING FED UP SA BVLLSH1TS NILA, NANLALAMIG AKO AND NAPAPALAYO NA SA DIYOS? tapos ituturing ka pa na parang taksil at ang laki-laki ng kasalanan na ginawa mo. jusko, parang lumala nga pagiging mentally unstable ko dahil sa mga taong katulad nilang sarado ang utak. dati nag-hiatus lang ako kung ano-ano nang nasabi, HINDI MAKAINTINDI NA MENTALLY DRAINED 'YUNG TAO? foreign concept sa inyo eh 'no. lala anong taon na ba ngayon bakit sarado pa rin utak ng mga 'to. pagod na pagod na ako. sasabihin pa baka parusahan ako ng Diyos at baka kung anong mangyari sa'kin dahil naisipan kong tumigil na sa tungkulin ko. GANO'N BA SA TINGIN NIYO MAGMAHAL ANG DIYOS? parang ang sama naman ng pagkakakilala niyo sa Kaniya. laging ganiyan 'yang mga 'yan, tuwing may masamang nangyayari sa'yo lagi nilang sasabihin na baka pinaparusahan ka ng Diyos. laging may takot at guilt trip. dalawang tungkulin na umuubos sa'kin ha! nagiging sapilitan na talaga dito eh. "hindi mo ba naisip man lang na ganito kapag umalis ka" LECHE! MAGSITIGIL KAYO TANG1NA ANO UNAHIN KO PA 'YAN KAYSA SA SARILI KO PESTE DAHIL SA INYO GUSTO KO NANG MAMATAY

Posted Aug 11, 2026, 10:27 PM UTC

4617
Loading comments…