Quitting Online Gambling Success Stories

Social Matters

Problem/Goal: Sister is an online gambling addict na baon na naman sa utang. How to make her quit?

Context: Meron ba ditong nakapag quit from online gambling successfully?

My sister got addicted to it last year. The usual, nabaon sa utang, gusto mag pakamatay. My parents and I were there for her. Syempre to the rescue kami, binayadan mga utang niya. Yung mga utang niya sakin di ko na siningil since she’s a single mom.

Ngayon, nag confess sakin, bumalik na naman daw siya. Baon na naman sa utang, nagpapatulong sakin mag bayad pero di ko na binigyan. Masama daw akong kapatid.

Sabi niya bored lang daw siya kaya triny ulit tapos nabaon na naman sa utang. Pero di ako naniniwala. Tingin ko nag mamadali na naman siya magka pera kaya nagtry magsugal ulit, ending nabaon lang ulit sa utang. Paano ko nasabing nag mamadali lang mag ka pera? Sabay yung pagbalik niya sa sugal at pag balik niya sa pagiging financial advisor for extra income.

Now I am reaching out to ask- how can I help her to finally quit talaga at wag na bumalik? Sobrang helpless ko na kasi sa case niya. Awang awa ako sa anak niya at sa parents namin. Di ko pa sinasabi sa parents namin kasi nagwoworry ako sobra for them. Nasa point na ako na ready na ako ampunin yung anak niya. Ayoko na siya ihelp mag bayad ng utang at tbh parang ayoko na siya pigilan magpakamatay dahil sa galit ko. Pero syempre nandun pa din yung awa ko, andito pa din kahit galit ako sa kanya. Pero di ko na talaga alam anong dapat kong gawin.

I am planning to move out na from our parents house since magaasawa na ako. Pero sobrang worried ko sa magiging situation dito sa bahay pag alis ko lalo na balik sugal na ulit kapatid ko. Super worried ako for my parents and for her 3yo child idk what to do anymore 😢

Previous Attempts:
Tinulungan na namin siya dati bayadan mga utang niya. Ngayon sabi ko wag na mag phone para di na magsugal. Binabantayan ko din pero lagi ako sinisigawan pag sinisita ko siya. Nakakastress sobra di ko na alam ano gagawin talaga.

Posted Aug 12, 2026, 3:32 AM UTC

25
Loading comments…