Pa help naman po, Vplus and Megapeso OD huhu
Hello! 28F. Meron akong utang sa dalawang OLA.
Vplus - 8k principal (due first installment 6880 na ngayon ay 7224 na after 1 day of OD)
Megapeso 1 - 10k principal (due first installment 9780, aug 14)
Megapeso 2 - 10k principal (due first installment 9780, aug 14 din)
20k yung naging utang ko sa MP, tapos hinati into 2 accounts.
Plano kong magbayad on Aug 15 pero approximately 18k lang yung sesweldohin ko. Initially yung naging plan ko is bayadan yung 6880 (now 7224) sa Vplus and then 1 account sa megapeso so 9780. A total of 17,004. Kahit papaano may matitira pa rin sakin. So plano ko na i-od ang second acc ko sa MP which is 9780 yung need din bayadan kasi wala na talaga akong kukuhanan at sa nababasa ko dito, wag talaga mag tapal system kasi lalo lang akong lulubog. tama po ba?
Ngayon iniisip ko, ano na kayang amount maaabot ng Vplus ko after 4 days of OD HUHU. Kasi after 1 day, ~400 din yung itinaas😠Magbabayad naman talaga ako sa 15. On the other hand, sa megapeso second acc na plano ko i-od, ilan kaya aabutin ng 9780 ko after 16 days of OD? kasi sa aug 30 ko pa talaga plano bayaran.
So far wala naman pong masyadong harrassment kase hindi ako maka receive ng unknown calls. tho, nag message sakin ang vplus via telegram. deactivated na din fb ko. i dont think maho-home visit din ako kasi i live in the province.
If u guys were in my shoes, how do u go over this debt? ty po :((
Posted Aug 12, 2026, 10:53 AM UTC