idk what to do
nakausap ko kanina ang mama ko. na may pinagdadaanan daw sya. alam ko naman na she's depressed. kaya naghahalinhinan kami ng mga kapatid ko sa gawain, para hindi na sya mastress. kaso yung mga kapatid ko, minsan tamad, nag-aaway, kaya naiistress ang mama. pero nung nag-open sya, at least alam ko na gagawin na hangga't maaari huwag hayaang mastress ang mama sa amin.
awang awa na ako sa mama, kahit ilang beses ko sabihin na wag na nya gustuhin ang tatay ko, kasi sagad sa pagiging manloloko, pinipili at pinipili nya pa rin. ayaw nya daw husgahan ang family namin ng ibang tao lalo na ng mga masasamang ugali na kamag anak namin. ang saming magkakapatid, hindi kami takot sa judgement ng iba, kaya namin ipaglaban sarili namin. at tanggap din namin kung maging broken family kami, kasi sobrang toxic na nila.
nung magboyfriend pa lang sina mama, pinagpalit na sya sa bestfriend, pero ending pinili pa rin ni mama. mag-asawa na sila, mga bata pa kami non, nakikipagsex pala tatay ko sa mga pokpok na foreigner, umamin sya sa mama, nagalit sya pero pinili pa rin. hanggang ngayon na 40-50s na age nila, marami pa rin nagiging babae ang tatay. nakikipagsex kung kani kanino. dumating pa sa point na nag-loyalty test nitong july ang mama sa tatay kung saan nalaman nya na manloloko talaga ang tatay. kahit anong sabi ko na wag nya na mahalin ang tatay, gusto nya talaga. na buo daw family namin, kasi yun pinangarap nya. ayaw nya husgahan ng ibang tao. kahit anong pilit ko na huwag hayaan na maoverpower kami sa kung anong sasabihin ng iba. mapilit talaga sya.
ang tatay ko naman napaka-gaslighter, nilalason ang utak ng mama na nabibigay naman daw needs namin, wala syang ibang babae, na tamang duda lang ang mama, walang alam na ibang gawin kundi paghinalaan sya or gumawa ng problema sa relasyon nila..
sinabi nga pala sakin ni mama, na subukan ko daw sabihin sa tatay ko paulit ulit na itigil ang ginagawa nya, kasi gusto na magpakamatay ng mama ko, pinipilit nya lang daw para samin.
kaya ko naman gawin iyang sinasabi ni mama. pero naiisip ko? masosolusyunan ba talaga yun non... titigil ba talaga ang tatay...
nangyari din sa sinabi sakin ni mama na malaki daw ang sacrifices nila para sa amin. na naghiwalay sila, si tatay sa barko sa ibang bansa, si mama sa pilipinas, para mabigay mga needs namin. parang naguilty ako, at the same time, nainis kasi hindi naman namin kasalanan na nagkaroon sila ng obligasyon sa aming tatlo. sinabi ko sa mama na pinili kasi nila magkapamilya, hindi naman pala nila kaya financially. 20 si mama tapos 25 si tatay nung bumuo sila ng pamilya. pero sabi ni mama, part daw ng life yon na mag-anak.
ako... syempre, gusto ko bumawi sa kanila... depressed din ako sa buhay, mababaw kumpara sa pinagdadaanan ng iba, ng magulang ko, pero alam ko na hindi talaga ako okay. sa ngayon, nag-uupskill ako para mas tumaas ang chance na mahire pag nag-apply. balak ko mag-apply at magkawork before mag-end ang taon. 3 yrs ako unemployed btw. 2023 ako gumraduate, 2024 ako nagboard exam at pumasa, 2025-2026 nadepress, pero sinusubukang bumangon uli. hindi ko alam kung may kwenta ba tong ginagawa ko... pero yun nga, sinusubukan ko, pero nafifeel ko rin na hindi enough...
yung kapatid ko, tapos na, and nagbabalak na rin magwork before the year ends, yung bunso... student pa, 2 yrs na lang i think pwede na tumigil tatay ko sa pagbabarko at magsama sila ng mama...
ang sakit na ng ulo ko guys... baka may thoughts kayo dyan, any advice... tatanggapin ko
Posted Aug 12, 2026, 2:10 PM UTC