r/adviceph•
gelzzzz_io

My girlfriend broke up with me because I was shouting when I am angry.

Love & Relationships

Problem/Goal:

Just happen kahapon ng 10pm. I went to their house to talk to her for the chance na patawarin niya ako. Yung issue niya with me is kapag nag-aargue kami, if may nasasabi siya na natitrigger ako, agad ako pumipitik, nagagalit at magsisisigaw. Alam ko mali yung reaction ko pero dahil nga nati-trigger ako sa mga sinasabi niya, napapasigaw ako sa galit.

Context: We were arguing kasi nga gusto niya ng time. Hindi ko siya mabigyan ng time for the whole week maliban sa Sunday. I work everyday from 1:00pm to 9pm tapos may pasok pa ako ng Sabado 9:00pm to 12:00pm. Teacher ako. Nurse ang ex ko. Siya may mga off. Ako naman, Sunday lang. Kaya yun lang ang day na pwede ko siya puntahan sa kanila or ayain lumabas. Gusto ko lang na maintindihan niya na hindi ko din naman ginusto na ganon yung schedule ko. As we argue along the way, bigla niya sinabi na "Buti pa si ganito, nabibigay niya yung needs ko." She means a colleague of hers napupuna yung time na gusto niya. I was hurt syempre kaya nagalit ako and I was shouting at her sa phone. Di daw niya ako intention saktan, di ko lang gets kung bakit sinabi pa yon? Kung iisipin niyo na may something sa kanila, Unahan ko na kayo na wala. Close lang sila pero syempre may selos pa din akong nafefeel tapos lumala yung selos to that guy na iniinsist niyang friends lang sila. Okay andun na ako.

One time na naman, pumunta si ex ko sa bahay ng late night after work. Kasi nga itong friend niya na sinasabi niya, ihahatid daw sya sa bahay namin. Edi go lang. Hindi rin maganda weather nung pumunta ex ko sa bahay. So andito lang sya sa room ko at natutulog at pawis na pawis sa init. Hiyang hiya ako kasi wala akong aircon, laking aircon tong ex ko. Tapos nung pauwi na, akala niya ayaw ko siyang ihatid. Sinabi ko naman sa kanya na sasamahan ko siya sa sakayan, sabi niya wag na. I asked na "Sure ka?" Sabi niya yes. Okay sige sabi ko. Kaso naisip ko na wala siyang phone. Nasira kasi phone niya. Kaya sabi ko na ihahatid na kita, eh kaso kasi akala niya galit ako kasi tumayo ako ng pabigla tapos parang tunog nagdadabog. Inexplain ko sa kanya. Eh kaso may sinabi na naman siya. Sabi niya "mabuti pa tong si ano, di nag dalawang isip na ihatid ako" syempre nag init na naman ako. Nagalit ako kasi kinumpara ako sa taong may sasakyan eh. At ito dito mejo malakas na daw shout ko. Sobrang selos at galit nafefeel ko that time. Kaya napapasigaw na ako.

Lastly, yung biglang pumunta itong guy na to sa bahay nila kasi may ichichismis daw. Thats 10:30pm na. Nagpaalam naman siya sa akin. Sabi ko okay go. Eh di ba nga walang phone ex ko before, pinaayos ko yung old iphone 6s nya. Di ko pa sya kayang bilhan bago eh. Going back, nagtataka ako. Mag 12am na bat di pa sila tapos? I tried to call her. Di sumasagot kasi nagriring lang. simula mga 11:45pm tumatawag na ako. 12am wala pa din. Dun ko binuksan yung account niya tpos tumawag ako dun sa colleague na sinasabi niya. Mga 12:30 na non dito eh. So ako aligaga na ako. Hindi ko na alam maramdaman ko. So habang nagco-call ako dun sa guy using her account, nag chat siya na "paakyat na ako". Pero hindi pa din sinagot. Ang hinala ko kasi, baka umalis sila ng bahay ng diko alam. 12:30, dun palang sinagot call. Nanggagaliti ako sa galit tpos sumisigaw ako. Ganon ganon. Then after that, nag break na kami.

Then kagabi lang around 10:30pm, pumunta ako saknila at nakipag usap and sabi niya lang hindi na niya matolerate yung paninigaw ko. Ulit ulit na lang daw kasi. So I am here to ask kung anong pwedeng gawin para magkalmado para hindi naninigaw or paano magalit ng hindi naninigaw?

Posted Aug 12, 2026, 8:19 PM UTC

1136
Loading comments…