please please please
Hi, 19 years old, turning 20. Lowkey gusto ko lang mabigyan ng linaw. I WAS taking to a 22 year old guy, working. I met him sa dating site, kung dating site nga 'yun. One thing leads to another, ayun kinuha n'ya telegram ko. I was hesitating at first kasi bakit telegram? Pero ayun, since super ka-vibes ko s'ya and same humor, I gave it to him. Almost everyday kami nag-uusap, nu'ng naging busy s'ya, kapag vacant lang s'ya sa work, no good nights or whatsoever. And I TOTALLY understand tapos one night, free s'ya kaya nakapag-usap kami ng matagal then na bring up 'yung "hinting" jokes n'ya, I called him out kasi ayaw ko ng mga gano'n. Sabi n'ya na sanay daw s'ya sa mga gano'n kasi minor pa lang, sexually active na s'ya. And there's no judgment from me kasi to be honest, hindi sa buhat bangko ako pero super understanding kong tao. Ayun na nga sexually active daw s'ya. I'm nbsb, as in wala pang kahit ano. Grateful na super strict ng tatay kaya well disciplined. Not to shame sa mga sexually active, but to me, 19's VERY young pa. So, ayun nagkatanungan kami ng ganito-ganyan. I asked pa kung "nasa-satisfy ba n'ya mo needs mo?" pertaining to his ex, sabi n'ya "she's good" tapos dinugtungan pa ng "really good". From that moment, alam ko nang hindi magwo-work pero may little hope pa ako kasi we're super vibing and I can feel the connection between us. Tapos sabi pa n'ya kahit daw maamoy n'ya lang tinitigasan na s'ya. I was shocked. Never s'yang nagbiting ng gano'ng salita, like super genuine lagi. Edi syempre, napaisip ko. It's not like I'm hoping for more than kung ano kami, but of course mabuti nang ma-settle nang maaga. Sabi n'ya 50/50 s'ya sa'kin kasi nga we're vibing pero may needs din n'ya. I'm not super innocent ha, feeling ko super lakas lang ng self-control ko and takot sa tatay kaya hindi ko nagagawa 'yung gano'n. Sabi ko sa kanya na madali lang naman kung kaya n'yang ma-control sarili n'ya or not. Sabi n'ya "no", it's actually that simple. Tapos, hindi na kami nag-uusap.
I was wondering na gano'n po ba kalaki sa mga lalaki ang sex? Kasi sabi n'ya oo raw. Alam ko namang for deeper connects din naman talaga pero gusto ko lang din malaman. Wala akong lalaking friends, lalong hindi ko kaya sa tatay ko and hindi ko rin naman makausap ang friends ko sa mga ganitong bagay. I did the right thing, right?
Posted Aug 13, 2026, 4:05 PM UTC