I don't want to take care of my grandmother

I feel so frustrated. Ang dami dami nilang magkakapatid pero nanay ko palagi yung inaasahan nila. Ngayon yung nanay ko naman yung umaasa sa akin na alagaan ko yung lola ko. Dahil maging siya, ayaw niya na rin, ayaw niya lang aminin kasi magmumukha siyang masama.

Ayoko talaga. Wala akong love sa lola ko. All my life, bilang lang sa dalawang kamay yung mga beses na nakita ko yung maternal grandmother ko. Kung sa ibang tao, mahal nila yung mga lola nila just for the simple fact na lola nila yun, I don't operate that way. I barely miss my tito and titas nor my cousins kasi tuwing may celebrations lang kami nagkakasama, lola ko pa kaya na parang every leap year ko lang nakikita.

Mind you, 8 silang magkakapatid. Nanay ko yung bunso. Yung mga lalaking anak, kahit padala sa pang-araw araw walang mabigay. Yung ibang babae namang anak naga-alaga ng nanay ng mga asawa nila. Walo silang lahat, hindi sila magtulong tulong. Ngayon, wala na yung original na bahay nila sa probinsya tapos yung lola ko kailangan ng constant attention kasi naoperahan sa balakang, gusto ni mama na sa bahay na lang namin tumira.

Pero ako raw magalaga dahil lagi lang naman daw ako sa bahay.

Na para bang wala akong trabaho? Oo, I work from home pero hindi ibig sabihin payag na akong maging caregiver. Before anyone says na I should just move out, I already did before, nasunog lang yung apartment na inuupahan ko so balik na naman ako sa bahay at wala namang talagang problema dahil sagot ko naman yung 50% of the bills, minsan ako na rin nag-grocery. Naglilinis rin ako kaya walang masumbat yung parents ko sa akin.

Ang akin lang, labas na ako sa responsibilidad nilang magkakapatid sa nanay nila. Hindi pwedeng ipasa nila sa akin dahil lang 'easy easy' lang ako sa buhay (in their pov). Hindi ako nagbabayad sa therapist ko para lang bumalik sa pagiging miserable. And even if I live the easy way, so what? I'm working my ass off para sa komportableng buhay. Mga hipokrito, sila rin naman, kaya nga pinagpapasapasahan nila yung nanay nila kasi ayaw nila ng isa pang responsibilidad. I feel bad for my lola pero hindi ko talaga siya gustong alagaan.

Posted Aug 13, 2026, 4:36 PM UTC

8115
Loading comments…