Corporate trauma ba ito, exhaustion or existential crisis na may kasamang corporate trauma?

Work & Professional Growth

Problem/Goal: Burnout? Existential crisis? Corpo trauma?

Context:

Hindi ko alam if ako lang ba ang nakaka-experience nito. Bachelor's degree from kilalang school sa NCAA. Apat na magkasunod na high paying jobs ang inayawan ko sa loob ng 8months. Yung tipong super laki ng sahod compared sa mga naunang company na na pinasukan ko. Hindi ko alam basta everyday pinipilit ko na lang bumangon, mag motivate ng sarili, at laging may anxiety at takot magkamali. Minsan nao-over explained pa ako sa mga group chats pag alam kong tama ako or moments na may konting pagkakamali. Then one day naisip ko na naman na ilang years ko na pinipilit ang sarili ko maging okay sa existential crisis na nararamdaman ko right after college graduation. Hindi ko gusto ang course ko at hindi ko alam kung saan at anong career ang patutunguhan ko. Dagdagan pa ng mga company na napapasukan ko, nasasaktuhan na toxic ang environment at management. Nag resign ako last week and nagsisi na bakit natakot akong itry yung gusto ko talagang gawin nung younger pa ako and after college grad. Natakot akong lumiko ng path from my bachelor's degree at sundin ang childhood dream job ko. Feeling ko tuloy ngayon ako ng 8 years ng buhay ko.

Previous Attempts:

Sa part na to di ko alam kung weird ba or stupid na nag apply ako as cashier and cook sa isang local fast food chain, hindi ko alam bakit masaya ako at nabunutan ng tinik sa dibdib na kahit yung sahod ko dito for 1 month ay kinikita ko lang ng 7 days sa loob ng isang month. Bigla nalang din ako nag disappear sa bahay and sa mga taong nakakakilala sakin, hindi ko pinaalam sa kanila ang next move ko dahil judgemental lahat ng nakapaligid sakin. Nag work ako sa malayong lugar. Am i having the best life kung masaya ako kahit ganito ang work ko?

Posted Aug 13, 2026, 4:43 PM UTC

13
Loading comments…