Illiterate kids
Makwento lang at naaawa rin ako sa pinsan ko.
Thesis nila ngayon, mind you science-related degree sya. Kaso ‘tong mga kagrupo niya nuknukan ng katangahan. Parang natira sa highschool mga ugali. Passive aggressive na group of friends na may isang leader na twink kala mo e laging naka beast mode.
Excerpt 1, thesis proposal nila. Nagmamadali yung isa na iprint buong manuscript alas diyes ng umaga, given na may go signal na from the other groupmate (na sunod sunuran din), pinsan ko na nag print. Pagkauwi namin sa dorm teh biglang sasabihin nung nagmamadali pakiprint daw ulit may mali raw sa margins. Kung ‘di ka ba naman engot at nagtatae ng pera, 800 pesos din yun. Tapos ddoblehin pa kasi nagkamali ngani at nagmamadali yung isa. Mind you, kinabukasan pa defense. Tandaan ‘nyo tong nagmamadaling ‘to hihirit pa ‘to mamaya.
Excerpt 2, day of the proposal defense. Biglang may pa long message na wala pinsan ko sa importanteng parts (?). E sya nagprint ng manuscript for 3 panelist at bumili ng mga ibibigay sa panelist. Nalate siya mismo the day of the defense pumasok dahil kaka asikaso ng papel nila at yung mga bibitbitin. Samantalang sila nakaupo lang sa room naghihintay? Malala pa diyan, sila na may pinaka mahabang time “for the important parts” pero nung defense, sila rin mga pinakatahimik at walang masagot kahit nireremind na magsisagot.
Excerpt 3, eto na si passive aggressive twink. Nagka misunderstanding between their professor and them. He said, she said type of thing. Kesyo raw e sinasabi netong pinsan ko na data gathering na sila during the start of them term. Bwelta agad si bakla (bakla rin ako tigilan ‘nyoko). Long message. Bakit daw nagdedecide ‘tong pinsan ko na mag data gathering na sila kinabukasan agad, pero literal na tinanong lang nya adviser nila kung okay lang mag proceed na sila sa data gathering before an important document and pumayag yung adviser. Leader ‘tong twink na ‘to ah pero ni walang initiative kaya she decided to ask for the group na so they won’t be behind. Sinong leader magagalit at may initiative pa kagrupo niya? ANLALA. Sobrang halata bang incompetent at ayaw niya maramdaman yun? HAHAHAAHAHAHAHA
Excerpt 4, oo hindi pa tapos. Printing nanaman for manuscript. Offer etong si nagmamadali siya na magaasikaso ng printing and gifts for the panelists. Quote sa 900 pages na short paper, black and white manuscript e 6300, sa kakilala pa? Kaya raw ganon kamahal kasi maganda yung something about the printer. Tapos ang gift for the panelist tig 400? Ang gusto pa bayaran agad at wala raw pang abono HAHHSHSHAHAHAHAH e kung di ka ba namang tanga ulit. Mind you, may fee na sila sa tuition for the panelists. Paldo si bakla. Tapos hihiritan pa netong si twink na magbayad na raw for printing at kahit mag hanap sila iba, nasa ganong amount din yun. E nilapagan ng quotation na 1800 lang ang B&W short bond paper na print sa isang malapit na printer shop. Kaya yang nagmamadali magprint na yan? Ganyan ugali kasi ‘di nanaman makakasagot sa defense, memasabi lang na may maiambag. Bagong variant na teh, ‘di na taga luto ng pancit canton, mga taga print nalang at magpapaganda nalang sa defense. Sana yang kinapula ng lipstick mo e kasing pula rin ng final grade mo, ‘di kami makapag buldak dahil abono nanaman ng pinsan ko.
Ang dami pa niyan honestly pero yan ang mga pinaka malala. Kapag sila ang mali, wala silang naririnig sa pinsan ko. Kapag pinsan ko ang kahit isang beses lang pumalya, sunod sunod kang may maririnig. Parang mga bubuyog na nawalan ng anilan. Iniisip nalang namin pano mga nakatungtong ng college at soon mga mag bboard exams mga ganyang work ethics at ugali. Prayers sa OJT HAHAHAHAHAHH
Hay, kung may masabi lang ako sa mga incoming freshies, if you have the liberty to choose, choose your thesis mates wisely. College is already hard enough, save urself some time and brain cells with group mates-related katangahan.
Posted Aug 13, 2026, 4:45 PM UTC