Di ko na alam direksyon ng buhay ko 😶
2026 is typically my worst year of my life. I'm in my 30's na pero wala pa rin nararating sa buhay. I'm struggling with my family, career, relationship, emotion, health and parang lahat ng areas ng buhay ko struggling this year.
Unstable yung work ko ngaun since I'm freelance VA pero yung bills ko stable every month unti unti ng nababasan savings ko. Di pa rin ako makahanap ng full time client for the past 7 months.
Iniwan pa ko ng nililigawan ko for the past 6 months na para lang ako basura pag nagsawa na tatapon ka bigla. Di ko ineexpect biglaan nya ko niletgo parang ambilis nya ko makalimutan and dito ako masyado nasaktan. After all those dates, calling and vdcalls every night isang araw itatapon mo lang ako.
Then sa health ko, I was diagnosed na may chronic venous insufficency. Siguro sa kakaupo ko to sa harap ng computer since va ako. Ewan ko di ko sya prio for now sana di na sya lumala.
Then sa family ko di ko masabe sa kanila na napaka unstable na ng work ko di ako makapag bigay sa kanila every month. Akala pa nila may work pa ko and malaki kinikita. Pero ang di nila alam bawat piso tinitipid ko para lang di maubos ang savinga ko sa mga bills.
Di ko na alam sayo 2026 ano pang pasabog mo saken this year. Sobra kana 😢😢
Posted Aug 13, 2026, 4:46 PM UTC