Pano ba mawala amoy ng ihi ng cat sa loob ng room

General

Umuwi ako ng province para magbakasyon from QC, so yung tita ko naisipan ilagay sa room ko yung isa nyang cat since hindi sila pwede magsama nung isa naming cat sa iisang kwarto kasi nag-aaway sila. Male cat kasi both, tapos itong nasa kwarto ko mahilig umihi everywhere kaya pagbalik ko amoy ihi loob ng kwarto ko😭 sobrang sakit sa ulo ng amoy as in nanlalaban huhuhu puro sahig lang kasi nalilinis ng tita ko everyday nung wala ako dahil may work din naman sya and madalas pagod na kapag umuuwi. may naglilinis din sa amin every sunday pero wala pang 1-2 days balik ulit sa ganong amoy. hindi rin mapa-kapon yung cat na yon kasi may sipon pa sya kaya ito tiis tiis muna kami sa ginagawa niya pero honestly nakakastress ng sobra huhuhu, almost one month ako nawala and parang halos lahat ng sulok ng kwarto inihian nya na. kakabalik ko lang now and nag-linis ako ng bongga pero hindi pa rin nawawala yung amoy😭 halos amoyin ko na bawat sulok para malinis ko. nag-order na rin ako ng activated charcoal in hopes na mawala yung amoy sa room, sana dumating na rin agad kasi hindi ko na rin matiis amoy😭😭😭 bagong palit na rn litters nya kaya im sure hindi nangagaling don hays. baka may maisshare din kayong tips dyan😔

Posted Aug 13, 2026, 4:57 PM UTC

16
Loading comments…