How would you interpret this situation??

Love & Relationships

Problem/Goal: May 2-week situationship/talking stage ako with this guy, and I’m trying to figure out if red flag ba talaga yung ginawa niya or nag-o-overthink lang ako.

Context: Schoolmate ko siya and same kaming 3rd year college, so minsan classmates kami. Siya yung unang nag-approach sa akin, then nag-tuloy-tuloy yung talking stage hanggang sa nag-date na kami several times (getting-to-know-stage). So far, okay naman siya and wala naman talaga akong naging issue sa kanya. However, one night, tumunog talaga feminine intuition ko. Parang may something off that night and hindi talaga ako mapakali. He asked me twice kung anong oras ako matutulog and kung tulog na ba ako, pero hindi ako nagreply. After a while, naisipan kong tingnan yung accs ng friends niya, and doon ko napansin na naka-hide pala sa akin yung stories nila, pati yung sa kanya. Because of that, medyo napaisip ako and gumamit ako ng dummy account to check. Ayun, confirmed na nag-party pala sila ng friends niya for his birthday, 2 days before his actual birthday. While inaaya niya naman ako sa mismong araw birthday niya.

What made it even more confusing tho was that based sa stories na nakita ko, parang empty yung club. Sila-sila lang talaga yung nandun, and all boys naman yung nakita ko. So honestly, hindi ko gets bakit kailangan pa akong i-hide. If it was literally just him and his guy friends celebrating, bakit kailangan pa niyang itago sa akin? At the same time, iniisip ko kung ayaw lang ba niyang malaman ko kasi baka ma-off ako or lumayo ako (??)

Previous Attempts: Wala pa. And to be clear, wala talaga akong planong i-confront siya about this. Una sa lahat, 2 weeks pa lang kami and technically, wala naman kaming label, so ayoko rin magmukhang crazy. Secondly, paano ko naman ie-explain na nalaman ko yung tungkol sa party dahil nag-stalk ako ng friends niya gamit dummy account? That would probably make me look even crazier. More importantly, feeling ko rin kasi the more na nahuhuli yung tao, the more na nagiging maingat at mas gumagaling magtago.

So please, any advice is welcome except “confront him.” 🙏🏻🙏🏻

Posted Aug 13, 2026, 4:59 PM UTC

26
Loading comments…