Panaginip bago ang aksidente
So yun nanaginip nanaman ako, nakita ko yung father ko at yung pinsan ko, pero yung father ko is patay na, yung pinsan ko naman is nauutusan niya lagi at maaasahan sa mga gawain medyo close din sila. So after kong mapanaginipan yun may ibang panaginip na hindi kona maremember pero pagkagising 3-4am na ata yun hindi na ako makatulog kasi nga ganun ang panaginip ko.
Fast forward, kinagabihan naalala ko yung pinsan ko, kasi nga napanaginipan ko, chinat ko kuya niya dahil nga hindi nagrereply yung pinsan ko dapat nakauwi na siya ng ganung time kasi uwian na niya from work. Chinat ko nadin siya, pero walang reply hanggang 2am eh nag iinom din ako nung time nayun mga bandang 3 am nakatulog nako. Tapos naaksidente na pala siya around 3:30 am. Kinaumagahan nalaman kong naaksidente siya. Buti nalang talaga hindi grabe yung tama niya sa ulo. Gasgas at sugat lang. Salamat sa diyos.
Nagtataka lang ako bakit ganun, bakit nanaginip ako ng ganun.
Posted Aug 13, 2026, 5:04 PM UTC