Valid lang ba yung na fefeel ko? Or Am I being selfish?

Hello. Itago nyo nalang ako sa pangalang T, 23F and working in BPO. Sobrang nakakapagod pala kapag middle child ka no? Yung kahit anong gawin mo di parin sapat. Gusto ko talagang tumulong sa mother ko kase alam ko ang hirap at sakripisyo nya kase tinaguyod nya kaming tatlong magkakapatid na mag-isa. Hiwalay na yung father at mother ko, pero nagsusuporta naman ang papa ko sa pag aaral namin noon, di nga lang consistent pero at least tumutulong pa din. So, eto na nga nag tatrabhao na ako and yung sahod ko 8k or less lang per 15days. 1500 per month para sa motor na hinulog-hologan namin ng kuya ko, hati kami sa monthly na 3k. Tapos ako pa nagbabayad ng tubig kada buwan. Every month talaga 4k ang ibinibigay ko sa mama ko, 6k minsan pag naka luwag-luwag. Kahit thank you man lang ni-isa wala akong narinig. Alam ko hindi naman importante yun pero iba kase talaga pag na a-appreciate yung ginagawa mo e. Minsan pa nga nakasimangot kase liit lang daw, kulang pa. Alam ko naman mahal ang mga bilihin ngayon pero yan lang talaga ang kinaya ng sahod ko. Gusto ko man ma enjoy minsan yung pinaghirapan kong pera pero parang ang sama-sama ko pag ginawa ko yon. One time sinabihan ko sya na di muna ako makapag bigay kase may bibilhin ako para sa sarili ko pero sinabihan lang ako na pa sosyal, feeling mayaman. Di naman ganyan dati mama ko e, diko alam bakit sya nagbago ngayon. Grabe nakakapagod na. Nawala na yung saya ko tuwing payday.

Valid lang ba yung na fefeel ko? or Sobrang selfish ko lang talaga?

Posted Aug 13, 2026, 8:28 PM UTC

10
Loading comments…