Grabe yung nangyari samin ng gf ko sa Robinsons the other day.
Nagdecide kami kumain sa food court, pero syempre puno-puno at maraming tao. May table na sana na naghihintay kami kasi may mga kumakain pa, tapos nung umalis na sila, kami na yung unang pumunta para kunin yung table.
Bigla na lang may tatlong magkakasama na sumingit at umupo agad sa table na inunahan namin ng gf ko. Aba, nagulat talaga ako kasi nauna na kami doon tapos bigla na lang silang umupo.
Sinabihan ko naman nang maayos, “Nauna na po kami dito.” Tapos ang response nila, tumawa/nagscoff lang. Like, amp**, sino ba kayo?
Hindi na rin sila sumagot after that at hinayaan naman kami eventually.
Pero honestly, na-highblood talaga ako. Si gf nagalit din pero controlled naman, ako yung gusto ko na talagang makipag-away HAHAHA buti na lang hinila/dinala ako ni gf sa tabi-tabi para kumalma.
In the end nakahanap naman kami ng table at nakaupo rin, pero nakakabother lang talaga yung ginawa nila. Hindi naman malaking bagay yung table, pero yung sumingit na nga kayo tapos tatawa pa kayo nung sinabihan kayo?
May naka-experience na rin ba sa inyo ng ganitong klaseng kabastusan sa mga food court dito sa Bicol?
Posted Aug 13, 2026, 8:38 PM UTC