is this cheating?
F, 19
im fully aware na cheating talaga to, but i refuse to believe since until now hindi ko pa rin ineexpect na kayang-kaya nya gawin to sakin. lately, madalas kami mag-away and madali na rin sya magalit over little things. basta, madaling magalit sakin. tapos kapag galit sya, don na sya nag-i-insist na i-end na lang namin relationship namin. ilang beses din. naaayos kasi most of the time ako naman nag-i-insist na ayusin pa rin namin. tsaka iniintindi ko kasi baka dahil lang sa personal problems that's why nagkakaganon sya. so, august 2026, okay kami, kami pa rin.
then suddenly, i found out, last month pala (july 2026), nag-create sya ng ig account and nag-follow ng kung sino-sino. kumbaga, mass following. girls and boys ni-follow. pero sa following nya, ni-follow nya rin yung girl na i told him na uncomfortable ako. kaibigan nya yon. wala namang ginagawa yung girl, actually, kaya lang ako naging uncomfortable kasi the time na nag-post yung girl ng bikini pic (december 2025) and ni-heart nya yon, at yon lang yung post ng girl na ni-heart nya kahit sinabi nyang dati nya lang yon ka-close (basically, hindi nya hineheart yung mga old pics ng girl nung close pa sila), and that time he's courting me na (he's courting me since september 2025).
ni-confront ko sya about dyan but nagalit lang sya and in-end na lang ulit relationship namin.
then nalaman ko, nabanggit ng kaibigan ko na lumalabas tiktok post nya sa fyp nila. so ang akala ko, nag-create sya ng bagong tiktok account since sabi nya dinelete nya na tiktok account nya. moot kami sa tiktok dati at ang nakalagay kasi is "account not found" kaya naniwala ako. ayon pala, blocked lang ako sa tiktok account nya kaya nagmukhang deleted sakin. dalawang beses din kasi yon. bali nag-create sya tiktok acc dati, sabi nya dinelete nya, blocked lang pala ako. then sabi nya since deleted na yung isa, gagawa na lang sya new acc. then ganon ulit sa 2nd acc. deleted daw, blocked lang pala ako. pero since lumalabas sa fyp ng kaibigan ko, naisip ko nga na baka blocked lang ako since sa ig nga binlock ako, e.
guess what, tama nga. at doon ko nakita na ang following nga is random girls din. meaning, habang kami pa, ginagawa nya na sakin yon. may mga reposts din sya noong may, june 2026 tapos this august 2026 din. at wala akong kaalam-alam na blocked ako.
bonus is idk if this somehow connecting the dots or what pero lately while nagala kami tgt is palagi syang nag-c-cr. sabi nya may prob lang sya lately sa palagi syang naiihi? pero napapaisip ako na baka may tinatago lang din sya. also one time rin pala nung nabobore ako sa school since magkaklase lang kami, i asked him na mag-scroll sa tiktok app nya kasi gusto ko makinood pero nagalit lang sya and reason nya, or baka totoo naman, na mauubos daw agad load nya.
one thing ive realized is siguro, hindi ko sure, pero di naman ata lahat, na kapag palaging galit na sayo yung lalaki, may tinatago na or ginagawang something. especially pinipilit na mag-end rs nyo.
Posted Aug 14, 2026, 12:33 AM UTC