Salmon Home Visit
Salmon Home Visit — Normal ba ito?
Hi guys, ask ko lang if normal ba talaga yung home visit procedure ng Salmon. Hindi ko actually alam kung ilang months nang past due yung partner ko.
Noong Aug. 3, nakatanggap siya ng message from someone identifying himself as a Salmon Field Officer, saying na nag-home visit daw siya sa registered address para mag-serve ng demand letter pero unsuccessful.
Today, same person pumunta ulit sa bahay namin. Malakas yung ulan, kaya nagulat ako na nag-home visit pa rin sila.
Tinanong niya kung ako yung borrower. Sinabi ko na partner niya ako and nasa work siya. Then tinanong niya kung kailan siya pwedeng makausap.
Tinanong ko siya, “Bakit kayo nag-home visit, kuya? Talaga bang pwede kayong mag-home visit?” Parang naiilang siya, kaya sinabi ko, “Sure ka ha? Kahit i-ano ko sa SEC yan?” Bigla niyang sinabi na i-message na lang daw niya yung borrower.
Tinanong ko rin name niya. Initially ayaw niyang sabihin yung last name niya, pero after ko ulitin twice, sinabi rin niya. Wala rin siyang pinakitang company ID or proof na Field Officer siya. Until now, wala pa ring message na natatanggap yung borrower after the visit.
First time ko ma-experience ito, kaya curious lang ako: normal ba talaga yung ganitong Salmon home visit? May naka-experience din ba ng ganito?
Thank you sa makakapag-share. 🙏
PS.
As per my partner nasa ₱7.8k ang past due niya
Posted Aug 14, 2026, 5:51 AM UTC