Overwhelmed by Debt — Need Guidance

I’m a 39-year-old single mom working from home, earning ₱10k per cut-off. May mga utang ako sa iba't ibang lending apps at tao: GLoan ₱20k, Billease ₱15k, Quick Loan UB ₱8k, UD ₱40k, Skyro ₱42k, Atome ₱25k, at personal debt ₱200k. Bukod pa dito, may rent kami sa Manila ₱8k/month, plus internet, food, and daily expenses.

Nagbabayad ako pakonti-konti (around ₱5k per cut-off), pero sobrang struggle pa rin lalo na sa pagkain at gamot. May health issues din ako (high blood, diabetes, heart problem), kaya mas mabigat. Family helps sometimes, pero madalas nagagalit na rin kasi lagi akong humihingi.

Emotionally drained na ako. Minsan naiisip ko na wala nang solusyon. Pero gusto ko pa ring lumaban dahil may anak akong umaasa sa akin.

Gusto ko sanang humingi ng advice:

  • Paano niyo nire-restructure ang budget kapag sobrang limited ang income?
  • Any tips para makahanap ng extra income habang WFH?

Any practical advice or personal experiences would mean a lot. Salamat sa pagbasa.

Posted Aug 14, 2026, 10:17 PM UTC

31
Loading comments…