Sobrang nakakapagod na dito sa pilipinas
Alam kong hindi tayo tamad pero ang dami pa rin sa ating halos hindi makasurvive monthly dahil sa bills. Buwan buwan na lang ako namomorblema sa bills at kung paano ko maitatawid yung next month na gastusin. Malapit na ko mag 30 pero ni piso wala akong kaipon ipon. Nag tatrabaho ako pero hindi talaga sapat. Naghahanap ako ng second job/part time pero ang hirap naman humanap at madalas ay puro full time job lang ang inooffer. Tbh sa work ko ngayon tinanggap ko na lang kahit lowball talaga kasi wala na akong choice e.
Halos araw araw puro tokwa at itlog na lang inuulam ko dahil ayon ang mura. Lumalabas pa naman ako pagkaweekend pero parang hirap na hirap ako gumastos ng kahit 300 kasi nga kulang ang pera talaga.
Sobrang hirap dito sa Pilipinas kasi tayong mga simpleng mamamayan lang, pag kinulang ang sahod mo, mag reresult siya sa more utang or less budget talaga. Pero yung mga kupal na mga politiko, di man lang tinataasan ng balahibo pag nag nanakaw sila.
PUTANGINA NIYONG LAHAT NG MGA KURAP AT MAGNANAKAW. SANA ARAW ARAW KAYONG NAG TATAE AT SINASAKITAN NG NGIPIN. SANA MULTUHIN KAYO NG BAWAL PILIPINONG NAMATAY NA LANG NG DILAT SA SOBRANG HIRAP. SANA MASUNOG KAYONG LAHAT SA IMPYERNO.
Sobrang malas natin kasi napunta tayo sa bansang to. Putangina talaga.
Posted Aug 15, 2026, 7:10 PM UTC · locked