Living-In in reality speaking
Problem/Goal: I'm kinda new to this set-up of live in, andami kong na ooverthink, andami ko na atang napupuna or nakikitang kinaiinis ko sa set up namin ni boyfriend. I really want to get a honest but not so brutal advice sa mga couples out there, gustuhin ko man, i cannot ask for an advice sa parents ko since we don't want them to get involved sa relationship issues namin 😣
Context: more than 2 years na rin kami nag live-in ni BF (yung almost 6 months don nasa puder kami ng family niya), when he got his job sa ortigas last year, and since i'm a bedspacer malapit sa work ko sa manda, that's why we decided na mag live-in together. Hybrid ang work ko pero i can say na mas marami akong wfh set up compare onsite which is different to him, my BF works as a nurse in a clinic. so yes, understandable sakin na he is more physically exhausted than me. PERO ang lagi namin pinag aaway is the HOUSE CHORES. lagi ko siyang pinapagalitan kasi yung mga damit, bags and caps niya naka kalat kung saan saan and lagi ko pinapaalala na ilagay sa tamang lagayan, yes gagawin niya but after a week mauulit nanaman. sa paghuhugas ng pinggan wala kaming problema kasi ang usapan namin kung sino nag luto, the other one ang mag huhugas (pero what i hate the most is ung may naiiwan na hugasin sa lababo pag gabi kasi iniisip ko pwede langgamin or ipisin or idk, and madalas siya yung nakakalimot and i know na hindi ako nag kulang magsabi sa kanya non na ayoko ng ganon, kaya at some point hinuhugasan ko na lang). then in terms of cleaning up the bathroom, para never ko pa siya nakita mag linis unlike sa kung paano ako maglinis, ang kanya kasi malinis na ang CR basta nalagyan at ma brushan ng domex and inodoro, but for me it's a no, hindi rin ako nagkulang na paalalahan siya na isama ang mga gilid na tiles pati ang sink sa cr imean yung overall na CR dapat ang lilinisan.
Previous attempts: and then it come to the point na napuno ako. i burst out crying and getting mad at him and saying these things:
"hindi ako katulong mo na para mag pulot ng mga kalat mong damit, bag or towel"
"hindi ako nanay mo para hayaan ka na hindi tumulong sa gawaing bahay" ( i said this dahil nakapag stay kami sa family niya, which i saw na never sila pinag gawa ng house chores ng mama nila, kung mag lilinis man always sila tatawag sila ng on call na maid na pwede mag linis and ang usually na ginagawa ng mom nila is paghuhugas ng pinagkainan, the rest is on call maid na)
"hindi ako robot na naka set para mag paalala sayo na mag linis ka ng ganto ganyan"
"nakakainis, nakakapagod kasi paulit ulit na lang"
yan ang lumabas sa bunganga ko. and to him are these words:
"sorry di ako perpekto para maalala yang ganyang bagay araw-araw"
"tinatry ko naman best ko para tumulong sa gawaing bahay"
hindi ko na maalala yung iba, and yan lang ang vivid sa utak ko.
please help me understand or masyado bakong pushy na tao. kasi for me, ayoko ng makalat at maduming titirahan it's just like i cannot function well kapag magulo ang paligid ko, because i grow up in an environment na dapat malinis as much as possible. help me pls. 😣
Posted Aug 21, 2026, 2:20 AM UTC