ABYG for waking my co-worker
context lang ha. Etong co worker ko, matagal ko naring kilala pero hindi siguro kami close, we live together in like a boarding house with other coworkers. Sya nag suggest sakin na mag-apply ako sa job ko rn. We work in a restaurant in a hotel. Ang trabaho nya kasi is parang malapit na sa manager, halos sya na rin nag hahandle ng reservations which she does 2-1 hrs before shift namin.
Nung isang araw, tumatawag yung front desk via cable telephone, eh natutulog sya non sa may loob ng resto which she usually does pag maaga kami tumatambay don, so ako muna sumagot kasi nga makatulong man lang. Sakto wala yung guestplan (which is an app that shows available tables an occupied tables) sa desk namin nung sinagot ko yung phone. So hindi ko alam if kukunin ko ba yung reservation or hindi so ginawa ko nalang tinawag ko si coworker na natutulog, eh hindi sya sumasagot so pinasuyo ko sa isa pa naming katrabaho if pwede nya ba tawagin.
Bigla syang nagalit sakin. Eh hindi ko naman alam gagawin ko. Afterwards sabi nya sakin “alam mo namang chill tayo pag early days of the week”
Dun ako nagulat kasi since start of the week back and forth na hindi nauubos yung tao. Like what do you mean chill, robot yarn. Nagsabi rin sya sa manager namin abt it, and to another co-worker, sinasadya na pa marinig ko yung “may lack of respect”
Fast forward to today, gusto nya mag sorry ako sakanya, nagparinig pa sya sa socmed “scared to say sorry?”
Alam ko mataas pride ko, pero grabe para doon msgsosorry ako? Ano yun? Sorry kasi ginising kita tungkol sa reservations? Alam mo yung gusto mo nalang tumulong para mapadami tao pero parang naperwisyo ko lang siya eh.
Tldr; ginising ko yung katrabaho ko kasi may gusto mag reserve ng table and since hindi ko naman sya ka level diko alam if may available pa kaming table. Ending nagalit sya saken at feeling nya na direspect sya don and naghihintay sya magsorry ako
Feeling ko gago ako sa part na ayaw ko magsorry para sa bagay na ginagawa ko lang naman para hindi magkamali.
Posted Aug 21, 2026, 2:21 AM UTC