Slow burn na toh or di lang siya interesado?
So eto na nga, may girl akong nililigawan, classmate ko siya. May napapansin lang akong pattern and I don’t know if I’m just being sensitive or overthinking haha.
Kapag minemessage ko siya, ang tagal niya minsan mag-reply or mag-seen. Pero kapag may nag-message sa GC namin, especially kapag puro kalokohan, ang bilis niyang mag-seen at mag-reply. Minsan nauuna pa yung message ko bago yung messages sa GC, pero nauuna pa rin niyang pansinin yung GC.
So ayun, hindi ko alam kung nagpapakipot lang ba siya, nahihiya, or hindi talaga siya interested. At one point, sinabi ko sa kanya na ititigil ko na yung panliligaw ko kasi akala ko wala talaga siyang interest. Umiyak pa nga ako nun kasi gusto ko talaga siya.
Pero sabi niya, nagpapakipot lang daw siya minsan, or nahihiya siyang mag-reply kasi hindi niya alam kung ano sasabihin.
Kaya ngayon nalilito ako. Gusto niya ba talaga ako or nagpapakipot lang talaga siya? Hindi naman siya busy most of the time kasi lagi rin naman siyang nasa phone.
Is this what people mean by “slow burn”? Wala talaga akong idea sa mga ganyang bagay hahaha.
Any advice or insights from people who’ve experienced something similar?
Posted Aug 21, 2026, 2:23 AM UTC · locked