auntie w breast cancer with no one to help her except my father
Problem/Goal: Balak ng papa ko na patirahin sa amin sila tita para may mag-alaga sa kanya, at para hindi na sila mamroblema sa bills at iba pang expenses...kaso tutol ako personally at nag-aalangan din si mama. I'm F20 in a state university, sister is also a college student but in a private uni, and a brother who's in elementary.
Context: My father (ofw 49M) is the breadwinner of his immediate family, si mama, kaming 3 anak niya, 3 kapatid niya at mga pamangkin. Si tita at ang anak niya (pinsan ko) ay nakatira nang libre sa isang bahay namin na malapit lang din sa amin since 2015 or earlier pa. Nagsusustento rin si papa sa kanila dahil college student si pinsan, 4th year na ngayon. Not only that, nagbibigay rin siya pang-allowance nila.
Katulad ng ibang pamilya, may issue ang mother ko with her in-laws. More than a decade ago, nakatira sila sa amin (kasama ang paternal lola ko) kaso pinaalis din at pinalipat sa bahay lang din namin dahil inaaway nila tita si mama kesyo minamaltrato niya raw si lola at hindi pinapakain nang maayos...which is not true at all, kasabay namin si lola kumain pero mas malimit na gusto niyang kumain mag-isa sa kwarto niya.
Ngayon naman, nalaman na may cancer si tita habang nagtatrabaho siya bilang katulong. Ang gusto ni papa ay palipatin sa amin si tita at ang pinsan ko para wala na silang aalalahanin pang bills, food, and other expenses. Ibigsabihin kargo namin lahat mula pangangalaga hanggang bills, hospital visits, school exp (malamang pati grad fee) and pagkain/ligo nila.
Sinabihan ako ni mama at ang sabi ko ayaw ko kasi paano na lang kami sa ganitong setup? May online class ako at kapatid ko most days. Wala akong sariling kwarto, pwede naman ako lumipat sa kapatid ko kasi malaki naman kwarto niya. Pero at the same time, ayoko kasi meron naman akong personal space sa bahay kahit walang division/pader. Busy kaming lahat kasi may tindahan kami, maliit pa kapatid ko at naggagatas pa, may mga alagang hayop, at most of it all gipit din naman kami. Nakakakain kami 3x a day kasi masipag si papa at marunong magmanage ng sari-sari store si mama. Hindi na nga kami madalas magdine out/maski processed foods kasi sobrang mahal, talagang gulay/karne/prutas kami para rin iwas sakit.
At higit sa lahat, may gamutan si mama at scheduled ultrasound dahil may myoma siya after niyang ma-cs nitong pandemic.
Previous attempts: (1) Nang sinabi sa akin ni mama 'to kanina, nagsabi talaga ako na ayaw ko kahit ako pa kumausap kay papa. Tutulungan namin sila financially pero hindi ako papayag na titira sila sa amin, bahala na sila sa bills at other exp nila. Ang akin lang naman, tutulungan namin sila pero wag naman akuhin lahat kasi may mga pinaggagastusan kami. Hindi pa ba sapat kako na most of my life ay nakaasa na talaga sila sa amin/kay papa.
Naiintindihan ko naman na mahirap ang kalagayan ni tita pero sana maisip nila na hindi naman kami mayaman para akayin silang lahat. Mahirap ang buhay ngayon, at selfish na kung selfish pero gusto ko lang namang makapagtapos nang hindi nai-stress si mama at papa. At tsaka, hindi na namin kasalanan na wala silang savings ni isang libo sa tinagal-tagal nilang nakikitira sa amin. Mind you, hindi nagtrabaho si tita kung hindi nag-college anak niya. Nagstart lang siya mangatulong nitong mag-3rd year na si ate.
(2) Balak namin magpart time job ng kapatid ko kaso baka raw bumagsak grades at katawan namin sabi nila mama at papa.
Tama lang naman ang sentiment ko diba? O may mas maayos pa kaming arrangement na pwedeng pagsang-ayunan?
Posted Aug 21, 2026, 2:36 AM UTC