The Company Outing That Ended Our 3-Year Relationship

Love & Relationships

Problem/Goal:

I recently ended my 3-year relationship with my boyfriend because of a situation involving his female coworker. Alam kong tama yung decision ko, pero sobrang sakit pa rin and I keep wondering if I did the right thing. I want advice on how to move forward.

Context:

I'm 27F and my ex is 28M. We were together for 3 years. May company outing siya na hindi ako agree na puntahan niya because I already had trust issues with him, especially since nag-cheat na siya sa akin before.

On the day of the outing, nag-chat lang siya sa akin ng, “Paalis na kami,” without any context. Alam naman niyang hindi ako comfortable about it, and napuno na ako. I sent him a final message saying, “Malaya ka na, break na tayo,” then blocked him everywhere.

After 1.5 months, birthday niya. Matagal na naming plan na magkita sa place kung saan ko siya sinagot. Ang tanga ko, pumunta pa rin ako. Nag-usap kami, nagsorry siya, and binuhos ko rin lahat ng galit ko. Eventually, naging okay ulit kami.

The next day, tinanong ko siya kung ano talaga nangyari during the outing.

May friend kaming babae na nagpahatid dahil malapit lang yung venue sa bahay niya. If sakin, ok lang to kasi kilala ko naman si friend and close kami. Pero si friend, ayaw daw nya pag-isipan sila ng masama, so nag suggest si friend namin isama na lang yung isa nilang female coworker. So tatlo sila sa car.

After ihatid yung friend namin, bumalik sila sa venue. Ang hindi ko matanggap, silang dalawa na lang ni girl ang nasa car.

Doon ako ulit nadurog. Ang gulo rin ng isip ko that time.

Tinanong ko siya kung naisip ba niya na after ihatid yung friend namin, maiiwan silang dalawa nung girl. Alam niya kung gaano kalala yung trust issues ko sa kanya, especially because nag-cheat na siya before. Kaya hindi ko maintindihan bakit niya hinayaan na mapunta siya sa situation na silang dalawa lang nung girl na hindi ko naman kilala. Nagpaliwanag sya na wala lang daw yun, walang malisya, and may boyfriend daw yung girl. The f*ck with his justification. Di ko talaga matanggap.

Previous Attempts:

I tried forgiving him after he cheated and tried rebuilding my trust in him. I also gave our relationship another chance after our first breakup.

Pero after finding out what happened during the outing, nakipaghiwalay ulit ako.

Biglang nawalan na ako ng gana.

Question:

Sobrang galit ako sa lahat. Madami ako gusto gawin na pinipigilan ko lang sarili ko.

  1. Gusto ko ichat yung jowa ni girl at sabihin like 'alam mo ba na sumakay yang gf mo sa car ng ex ko' something like that

  2. Kumprontahin si friend, kasi sya ang naging mitsa

  3. Suntukin si ex dahil galit na galit ako

Posted Aug 23, 2026, 2:18 AM UTC

039
Loading comments…