(UPD) Preachers sa Sunken Garden
Nalapitan na rin ba kayo ng mga nagsha-share ng bible sa sunken garden? Yung mga may kasamang ibang nationality. Nakatambay ako sa sunken tapos biglang may lumapit para raw mag-share ng salita ng Diyos.
I repeatedly told that I was not a believer pero mapilit pa rin kaya pinagbigyan ko na lang. And I just heard absurd interpretation about the bible like mapupunta raw ang mga lgbt sa impyerno (tinanong pa kung bading daw ba ako lolz, sana sinabi kong oo para tantanan ako) at hindi raw masasalba mga hindi naniniwala kahit na mabuti silang tao. They even made me read some passages from the bible at tinanong ng kung ano raw thoughts ko about that.
Upon stalking their page, they apparently posts picture ng mga students na nilalapitan nila (based sa angles ng pic, I think hindi alam ng ibang students na pinipicturan sila). So I guess abangan ko na lang din picture ko sa page nila lolz nakakainis. They did not even mention na magtatake sila ng pictures. Please be considerate. I respect your beliefs and you can share yours too but please, don't force it.
+ First time ko verbally nasabi na hindi ako naniniwala after so many years of questioning my beliefs so yayyy
Tips naman kung paaano maiwasan yung mga ganito next time huhu
Lessoned learned: Nakakainggit mga magjowa sa sunken garden.
Posted Aug 27, 2026, 12:57 PM UTC · locked