Probationary

Advice & Tips

I want to seek guidance lang. Baka may nakaexperience na dito ng ganito or baka may HR dito or Lawyer.

Paano po yung process kapag probationary? Kapag feel nila di ka qualified, pwede ka na nilang hindi iregularize kaagad? Like wala bang due process? Series of evaluation? Written notices? I mean, I know evaluation process to. Pero kase, yung senior ko, nagbigay ng bad feedback sakin kahit during ginagawa namin yung work, wala syang sinabi na mali ko. Like wala siyang pinaulit or sinabihan ako na hindi niya gusto yung output. Basta nya lang ako di sinali na sa project. Something like that.

Nagkaroon ako 1st quartely evaluation during my 4th month and ang sabi lang sakin is "this might affect your probationary status". Nag-ooverthink ako pero at the same time I think it is unfair. Kase hindi naman ako sinabihan ng anything. Na all this time, I was wondering if may mali ba or what akong ginawa.

Here's the scenario po for better context:

My first project was okay(Well, I think so. Kase natapos ko talaga sya ng buo and nabigay ko naman na yung report.)

2nd project, kalagitnaan ng process namin, bigla lang ako tinanggal sa project ng walang sinabing dahilan. Pero syempre makakaramdam ka na dun diba. Then wala ako nareceive na feedback or what. One month akong walang ginagawa kase matumal din clients ngayon. Here comes the quarterly evaluation, dun na ko nagtanong sa manager ko ano ba problem. Dun na din nya sinabi yung negative feedback kaya I was so shocked.

Hayyys. Please advise po what to do. Patapos na kase probationary period ko and I want to prove myself kaso di nila ko binibigyan ng client dahil sabi nila wala pa daw. I  need my work and feel ko this is unfair on my part 😔

Posted Aug 27, 2026, 1:01 PM UTC

03
Loading comments…