Mga batang putik sa sa mall

Ghostly Encounter

Around 2015 nangyari to. Nanuod kami ng sine ng mga kaibigan ko. Last full show kasi may pasok kami. Sa bpo kami nag wowork noon.

After ng movie, masaya kaming lumabas ng sinehan at naglalakad palabas ng mall. Nag yosi muna kami sa gilid ng mapansin nung kaibigan ko na nawawala yung cellphone niya. Di pa kami nakakalayo sa mall na yun.. sa fairview yung mall na yun.

Wala kami ibang maisip kung saan napunta or nadukot ba yung phone niya. Naisipan namen bumalik dun sa mall para magbakasali na nalaglag lang siya dun sa sinehan.

Nakiusap kami dun sa guard at awa ng diyos napag bigyan kami. Pumasok uli kami sa mall at nag intay dun sa labas ng sinehan. Ayun, andun nga yung phone.

Palabas kami ng mall, sarado na yung mga ilaw.. yung natirang bukas na ilaw nalang is yung parang emergency light nalang. Nung palabas kami ng mall, dumaan kami dun sa daanan nung mga nag wowork dun sa mall.

For some reason nagtakutan kami at sinama namen sa takutan si manong guard. Sabi namen, "kuya buti nalang di kayo na junjun dito". Sabi ni manong, nako ser.. kung alam niyo lang.

Sabi niya tara dito.. may papakita ako sa inyo. Pumasok uli kami saglit ng mall at pumunta sa LGF. May mga arcade machine. Sabi ni manong, minsan bumubukas mag isa yang mga laruan na yan. Nadidinig mo din minsan may nag dribble ng bola. Tapos nung palabas kami, nag radyo sakanya yung kasamahan niya. Sabi "bumukas nanaman yung laruan". Bumalik kami saglit at kitang kita namen na gumagalaw yung joystick nung arcade.

Kinilabutan kami. Tapos nagyaya na kami na lumabas talaga kasi kinilabutan na kami. Sabay sabi uli nung manong guard, tignan niyo to.. inilawan niya ng flashlight yung pinaka ibabang part ng pintuan ng mall.. may hand print and footprint ng sanggol. Sobrang liit niya. Yung tipong nilalagay sa album ng baby.. ganun kaliit. Tapos parang putik or grasa yung print.

Sabi namen, mga taong grasa lang yan sa labas manong. Baka nangtrip lang sila. Sabay hinagod ni kuya yung print. Sabi niya panong makakapasok yung mga taong grasa dito.. eh andito sa loob yung print.

Mula nun di na uli kami nag last full show. Haha

Posted Aug 27, 2026, 1:04 PM UTC

464
Loading comments…