hirap kasama ng verbally abusive at narcissistic parent

TRIGGER WARNING

ever since naman may attitude na talaga ang father bear pero shutanginamez! ibang level pala pag kasama mo na everyday. warshock malala ang mental health! sana lang yung mga taong hindi naman emotionally intelligent ay tigil tigilan na yung pagaanak ano? idadamay pa mga anak sa pagiging vulnerable

nakakapagod na kasi sa buong maghapon isang beses ka lang makakarinig ng magandang salita, puro mura na or kung anu ano pang di magagandang salita. lahat ng pagkain pag di nagustuhan grabe kung laitin. ang daming rules! bawal makaistorbo ng tao. bawal kumanta ng happy birthday sa labas. bawal masyadong maingay. nakakahiya ganto, ganyan! wag mag picture kasi pa sosyal lang. bawal magcafe hopping kasi gawain ng social climber. OO GANON KA PETTY YUNG MGA PINOPROBLEMA NG FATHER DEAR KO AT SAWANG SAWA NA AKO

konting kibot mura. maling galaw mo lang, lagot! matinding sermon. pag sobrang tuwa, OA! lahat napapansin! pero bawal mo siya sitahin kasi expression lang nya raw yon. kundi ka mumurahin, sisigawan ka.

nakakapagod. nakakapagod na hahahahaha gusto ko na lang gawin yung ginawa ni hannah baker. feeling ko yun yung silbi ng bathtub namin potangina

disclaimer lang ha? grateful ako sa lahat ng ginawa ng father dear ko at mahal na mahal ko sya PERO NAKAKAPAGOD YUNG UGALI NYA.

Posted Aug 27, 2026, 1:04 PM UTC

21
Loading comments…