low self confidence and anxious to get work
Congratulations to us newly RMTs!!! What’s your plan after oath taking? Hehehe
Plano ko muna magpahinga, feel ko inubos ako sobra ng program na ‘to. Lalo na nung internship na sunod sunod ‘yung naging sakit ko, nagkaroon ako ng TB tapos na-dengue pa ako. Grabe ‘yung naging effect saakin non mentally. Then after internship walang pahinga enrol agad sa RC and prepare na rin sa boards. Kaya wala pa talaga ako balak mag apply 😢 Pero sa totoo lang pinaka reason ko talaga is wala akong lakas ng loob na mag-apply. Mahina loob ko sa mga interview. Mahiyain kasi talaga ako and feel ko mabbully ako inside lab. Medyo conscious din kasi ako sa body ko kasi sabi nila pang 16y/o lang iniisip ko rin baka ma-question din ako ng mga px huhuhu. Gusto ko muna sana palakasin loob ko, gusto ko iboost muna confidence ko before mag apply. Iniisip ko pa lang kasi kinakabahan na ako kaagad kahit na prepared naman ako and maayos naman work ko during 1yr internship pero wala talaga ako lakas ng loob.
Gusto ko lang i-share naffeel ko ngayon, wala ako masabihan ehh. Kayo, ano mga ginagawa niyo to boost your confidence?
Thank you!!
Posted Aug 27, 2026, 1:05 PM UTC