Primewater Lucena

Ang lala ng primewater dito sa Lucena. Mas malaki pa sa meralco ang bill namin. From 500 ngayon 3k+ na. 3 lang kami sa bahay. Tapos nung inembestigahan wala daw any leak so as is parin ang magiging bill namin moving forward. Jusko. May iba pa bang provider ng tubig dito? Grabe. Walang mangyayari dito sa reklamo ko sakanila. Hays. Nung nag 1,500 hindi ako nagreklamo kasi sabi ko sige kaya pa pero 3k+ grabe naman yun para sa tubig na dating dati pa e 500-700 lang ang bill hindi naman kami nadagdagan sa bahay. Di rin nabago ang routine sa paggamit ng tubig. Nagmahal na ba talaga ng bill ngayon si primewater?

Posted Aug 28, 2026, 7:38 AM UTC

13
Loading comments…