LITONG LITO NA KO. ðŸ˜
Hi! 35F. I have loans to banks and OLAs more than 780k. I decided to share here. So, lumaki yung utang ko dahil nag cc ako before (but nag reconstruct na ko so monthly na sya) and nagtapal system din (na di ko namonitor na lumobo na at dahil sa links na napundot ko sa isang OLA )
Currently, I have multiple ODs sa OLAs. I maintain to pay the banks kase sila ang legal and I wanted a good record kahit papaano. Yung sweldo ko di na kaya for payments ng 4 bank loans (20k per month) then for utilities at maintenance ng gamot ng parent ko yung iba (almost 22k) imagine almost 40k ang basic ko, thankful na wfh yung work ko. I have very little allowance nalang at nag past due narin sa network line although less than half nabayad ko.
In this case, nag block ako ng mga unknown numbers kaya medyo less yung comm sa mga calls and texts, pero andun padin yung pag iisip.
Hindi ko kayang mag snowball method since priority ko ang banks kaya Avalanch method (tama ba yung term?) yung nangyayare. Sana di lumobo yung maliliit na loan ko.
I am finding a part time but apparently ang hirap and di ko afford bumili ng laptop. Like super kamalasan nangyayare sa akin simula nung na accidentally click ko yung malaking loan sa isang OLA app.
Iniisip ko nga eh, Am I doing right? tama ba na banks ang inuuna ko? Paano ko makakaalis sa ganito? What if may mag visit sa bahay? So far, parents ko palang may alam and nakakahiya if malaman pa ng relatives.
Avid reader ako dito sa site about this topic, so minsan may encouragement.
Wala na kong peace of mind. I pray talaga makayanan ko to. Sana mabayaran ko na natin sila.
Posted Aug 28, 2026, 7:46 AM UTC