I’m cheating now sa 10-year relationship ko and I don’t even know what to do anymore

Alam kong mali yung ginagawa ko. Cheating is cheating, kahit ilang beses pa akong niloko ng boyfriend ko. More than 5 times niya akong niloko, pero tinanggap ko pa rin siya kasi lagi kong iniisip na baka magbago siya. Even financially, tinutulungan ko siya kapag kinakapos siya. Lagi niyang sinasabi na babawi siya. Pero eventually, napagod na talaga ako. Feeling ko ang tagal ko nang nagbibigay pero ako naman yung nauubos.

Then may nakilala akong guy sa isang joiner trip sa Mountain Province. Nagkausap kami after the trip through Messenger, then niyaya niya akong magkape sa. Army officer siya from Fort Magsaysay, and kahit busy siya, bumabyahe pa siya papunta ng Manila para magkita kami. Napadalas yung coffee dates namin hanggang sa point na hinahanap-hanap ko na siya.

I have a boyfriend, pero I’m starting to have feelings for this guy. Hindi ko sinasabing tama yung cheating ko. Pero feeling ko matagal na akong emotionally detached sa relationship namin, and this guy just made me realize na gusto ko na talagang umalis.

Ang tanong ko lang, should I end my 10-year relationship first and figure myself out, kahit hindi ko alam kung magiging kami nung new guy?

Or should I distance myself from him and try to fix what’s left of my relationship?

Reddit, what would you do if you were in my situation?

Posted Aug 29, 2026, 1:22 PM UTC

04
Loading comments…