Normal lang po bang magtampo sa gan’to?

Friend

Good evening! P’wede po bang mag-rant? Normal lang po bang magtampo sa ganito?

Noong thursday po, may activity po kami sa life and career skills na by pair/partner. No’ng tinignan ko ‘yung friend ko (S), nakatingin siya kay F (cm namin). Akala ko no’n sila ‘yung magiging mag-pair, kaya medyo nalungkot ako dahil do’n. Then, tinanong ako ng isa naming cm, si K, kung may partner na ba ako. Alam kong may kani-kaniyang pair na ‘yung ibang cm ko kaya sinabi ko na lang na si S ‘yung ka-pair ko. Ewan ko ba, pero feel ko parang ang toxic ko na nagtampo ako sa kaniya. Sinabi ko ‘to kay S na nagtampo ako sa kaniya and nag-sorry ako. Nag-sorry din siya sa akin. Sabi niya sa akin na tumingin daw siya kay F no’n kasi akala niya may iba na raw akong ka-pair. And pinili niya raw si F para may iba naman maka-close iba kong classmates. Pero ‘yung dalawa naming friend (si T and J), may iba rin naman silang ka-close na sa classroom namin pero naging mag-pair sila.

Share ko lang, kami ni S, T, and J, magkaklase na since grade 7 pa. And ngayong grade 11, lumipat kami sa new school and same section kami (lumipat ako sa section nila).

Normal lang po bang magtampo sa ganito?

Posted Aug 29, 2026, 1:27 PM UTC

13
Loading comments…